HPD 39.2

244K 3.6K 176
                                    

[ 39 ] Part 2

One year later ...

Sherlyn's POV

"Grabe! Ang saya ng araw ko ngayon! Nakakapagod pero sulit talaga."

At para akong bata na sinalampak ang katawan ko sa higaan.

Nasa isang kwarto na kami ng hotel na tinutuluyan namin ni Paul dito sa Paris. Kakatapos lang din kasi namin magdinner dalawa.

Oo, nagbakasyon kaming dalawa.

Tinanong niya kasi ako minsan na kung may isang lugar daw akong gustong puntahan, ano iyon?

Sinabi ko naman na Paris, France. Bata pa lang talaga ako ay pangarap ko na makapunta dito kasama iyong magiging lalaking pinakamamahal ko. Eh di ba nga kasi City of Love ito?

Aba, nagulat na lang ako kasi kinabukasan ay may booked flight after that week na agad kaming dalawa.

Wala ehh. Mayaman nga pala itong boyfriend ko.

Naging maganda ang mga pangyayari sa mga buhay namin after makalabas ng ospital nina Nichole at Paul. Ipinaalam na namin sa lahat na kami na nga including sa mga tao sa company nina Paul. Alam na rin ng lahat ang totoong relationship ko kay Papa at Nichole.

Actually, parang buong mundo na nga yata ang nakaalam. Kasi si Nichole ay sikat na modelo sa Amerika habang sina Papa at Paul naman ay mga kilalang businessman hindi lang in local, worldwide rin. Malaking pasabog pa para sa lahat noong una pero unti-unti ring naging maayos.

Hindi na rin ako nagtatrabaho kay Paul ngayong alam na ng lahat ang status naming dalawa.

From personal driver to personal secretary and now, his only girlfriend. Ang sarap ng promotion ko! Haha.

Si Nichole ay kasamang bumalik ni James sa States. Pumunta si James sa Pilipinas noong mga time na nasa recovery stage na si Nichole sa ospital at si James ang tutok na nag-alaga sa kanya. Kaya nga siguro mas naging mabilis ang paggaling ng kapatid ko eh.

"We're not yet done, hon."

Nakangiting sabi sa akin ni Paul.

Nakatayo lang siya sa gilid ng kama habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Huh? May pupuntahan pa tayo?"

Umupo na ako sa kama at humarap sa kanya.

Tumango lang siya sa akin.





"Oh my God! Sobrang gandaaaa!"

Sobrang manghang-mangha ako sa nakikita ko. Nakangiting hawak-hawak lang ni Paul ang kamay ko.

"Grabe, hon! Totoo pala talaga mga sinasabi sa TV. Sobrang ganda! Akala ko pashowbiz lang 'yung mga sinasabi nila."

Para akong bata na nagpapalakpak pa sa tuwa.

Hay naku. Kung nakikita niyo lang talaga mga nakikita ko ngayon.

Nasa harap pala kami ngayon ng Eiffel Tower. Gabi na kasi ngayon kaya mas pinaganda ang view dito ng mga lights. Kahit sino maiinlove talaga sa ganito kagandang view.

Tuwang-tuwa ko pa ring pinagmamasdan ang napakaromantic view na nakikita ko nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran ko. Napangiti naman ako.

"You like it?"

Humarap ako sa kanya saka tumango.

Ngumiti naman siya.

"Let's dance?"

Sabay latag ng kamay niya sa akin.

Napakunot naman ang noo ko.

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon