Philippines: Year 2300

191K 2.1K 1K
                                    

Ang panahon kung saan ang Pilipinas aynahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhay; una,ang mga bid (ang pinakamababang uri ng pamumuhay o angpinakamahirap). Pangalawa, ang mga commoner (middle class napamumuhay), at ang huli ang pinakamataas na antas ng pamumuhay, angmga bidders. Kung bakit bidders? Sila ang may kakayahan para bumiling mga bid o kahit na commoner para mailipat ang kanilang memory genesa ibang katawan at masabing imortal sila.

Ang mga memory gene na ito ay inimbentong kompanyang MEMO© na hawak ng kasalukuyang diplomatic government.Isang eksperimontong pumasa sa Europe at patuloy na ginagamit ng mgabidders upang mabuhay sa kahit gaano pa kahabang siglo.


Ang sistemang ito na paglilipat ngmemorya ng isang tao papunta sa isa pang buhay na katawan ay tilaisang miserableng bagay na pilit kinokontra ng mga bid sa gobyernongunit hindi naman ito pinapansin ng gobyerno ng Pilipinas dahil ngasila din naman ang makikinabang nito. Dahil dito, naging talamak angbentahan ng katawan sa black market. Ginagawa ring hanapbuhay ito ngilang mga bid para kumita. Nag-aanak sila ng marami at kapag umabotna sa limang taong gulang ang kanilang anak, agad na nila itongipinagbibili sa mga bidder. Mas maganda ang wangis, itsura atkalusugan ng bid, mas mahal ang perang kapalit nito.


Ang memory gene na ito ay ginagamit nahalos ng buong mundo at ng mga bansang kayang bumili ng aparato nanaglalagay ng tila hard drive device sa likuran ng ulo ng bawatbidder upang mai-store ang bawat detalye ng pangyayari sa kanilangbuhay.


Hindi pa rin maiiwasan ang kamatayan ngtao at sa panahon na ito, mas bumaba ang life span ng tao na umaabotna lamang sa 50 years. Dahil na rin ito sa nuclear weapons na ginamitnoong nakaraang World War 3 kung saan binomba ng America ang Chinadahil na rin sa hindi pagkakaunawaan sa pagsakop ng China sa ibatibang kapuluan sa Asya. Lubhang naapektuhan ang mga katabi nitongbansa lalo na sa Europa at Asya. Napagpasyahan ng European Governmentna gumawa ng isang aparato na maaaring makapagpataas muli ng rate nglifespan ng tao na imbis na 50 years lang, muli itong maibalik sa 100years o higit pa. Sa kasamaang palad, hindi naman ito masuportahan ngdepartamento ng medisina at siyensya. Tila nahirapan ang mgasiyentipikong humanap ng paraan para mapataas ang lifespan ng tao.


Taong 2202, isang siyentipiko na bihasasa physiology at human brain, si Dr. Welder Freuch, ay gumawa ngaparato na tinatawag niyang memory gene. Nagkabit siya ng isang harddrive sa ulo ng isa niyang pasyente upang maitago ang mgamahahalagang pangyayari sa buhay nito. Sa kasawiang palad ayikinamatay ito ng kanyang pasyente ngunit nagpakita ito ng magandangresulta. Inilipat nya ang hard drive na ito sa isa pang tao.Nagkaroon ito agad ng epekto sa host, nagkakaroon siya ng delusion atkung minsan naman ay nagkakaroon ito ng split personality. Dikalauna'y nabaliw ito at nagresulta sa kanyang pagkamatay. Hinditumigil si Dr. Welder sa kanyang eksperimento na nagresulta sapagkamatay ng maraming tao na karamihan ay mahihirap na pumapayagibenta ang katawan nila para sa kakarampo't na halaga. Nang maubosang pera ni Welder, lumapit siya sa gobyerno ng Britain paramaipagpatuloy ang eksperimento nya na nangangakong patataasin angkaledad ng buhay ng isang tao kapalit ang katawan ng ilan pang tao namagiging solusyon din daw sa overpopulation. Tila hindi naman naginghadlang ang suhestiyon nyang ito sa gobyerno ng Britain ngunitnagkaroon pa ng ilang debate sa iba't-ibang bansa. Kabi-kabilangbatikos din at rally ang inabot niya sa madla na nagsasabing "massmurderer" daw siya. Ngunit kinakitaan ng magandang resulta angmga ito ng kanilang gobyerno. At dahil dito nabuo ang kompanyangMEMO©, isang kompanya na pinapatakbo ng gobyerno ng Europa at ni Dr.Welder. Nagalit ang ilang bansa kay Welder na humantong naman sa pagassassinate sa kanya. Inilipat ang memory gene ni Dr. Welder sa isangmas bata at mas malusog na katawan at laking gulat nila nangmagrespond ng maayos ang buong proseso sa kanya. Si Dr. Welder angpinakaunang succesful live specimen ng sarili niyang imbensyon, angmemory gene.


Dahil sa produktong ito, natakot angPilipinas. Natakot ang gobyerno na bilhin lamang ito ng ibang bansadahil sa estado ng pagiging mahirap nito. Natakot ang presidente natawaging bid lamang ang Pilipinas at magkaroon ng diskriminasyon sabansa. sa madaling salita, natakot ang gobyerno na tawagin tayongmahirap. Ang gobyerno ng Pilipinas ay nag-ipon ng bilyong piso atnagpondo para bumili ng aparato ng MEMO©. Naging resulta pa ito ngmalawakang korapsyon sa bansa. Nagkaroon ng nakawan sa pondo atnagresulta pa ito sa mas malalang kahirapan sa bansa. At kahit nanaghihirap na ang Pilipinas ng mga panahong ito, nagawa pa rin nilangbumili ng naturang produkto. Ang presidente ng Pilipinas nanagngangalang Nico Rivera ang unang Pilipinong nagpakabit ng memorygene.

Sa kalaunan, ang iniiwasang kahirapanng gobyerno ng Pilipinas ay lalong lumala. Nagsimula ang caste systemsa buong mundo dahil sa aparatong ito, at dumami ang bid namamamayang Pilipino.


Si Johan Klein, 21 taong gulang, isangbidder na naninirahan at lumaki sa Pilipinas ay tila hindinagugustuhan ang ilang detalye ng sistemang ito. Pilipino ang kanyangina ngunit taga-London naman ang kanyang ama. Mayaman ang kanilangpamilya, commoner ang kanyang ina at bidder ang kanyang ama. Malakirin ang kontribusyon ng kanyang ama sa kompanyang MEMO. Stockholdersila dahil sa ilang naibahaging kaalaman ng kanyang ama. I.T. expertang kanyang ama at gusto niyang sundan ng kanyang anak ang kanyangmga yapak. Malakas din ang kanilang pamilya sa politika dahil sanakatatanda niyang kapatid na senador. Kung tutuusin wala na siyangmahihiling pa. Pero hindi niya alam kung bakit hindi niya maatim namagpalagay ng memory gene sa kanyang ulo. Tila parang may mali sasistema ng MEMO. Minsan ay hindi niya masikmura ang bentahan nanagaganap sa black market pero wala naman siyang magawa. Ito na angsistema ngayon at tila legal na rin ito.


Siya lamang angwalang memory gene sa kanilang pamilya. Hindi sa ikinakahiya niya angposisyon ng kanyang ama sa kompanya. Hindi niya lang siguro masikmuraang bentahan na nangyayari. Makatao pa nga ba? Paano kung katawanniya na ang ibenta 'pag dumating ang panahon? Wala siyang magagawakundi itago na lamang sa mga kapwa niya bidder ang katotohanan, nahindi siya gumagamit nito. Kaya madalas ay nakajacket na lamang siyana may hood at tinatakpan ang kanyang ulo para hindi ito makita ngiba.

Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon