Previous Page of 2Next Page

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)

spinner.gif

 

 

 

Chapter 10.5:  Christmas! lalala

 

 

*** *** *** ***

 

 

Habang nagsasaya ang iba sa labas, nakakulong naman ang dalawa sa loob.

 

“Nakakainis! Tama bang pagkaisahan tayo?” asar na sabi ni Miyuki sa kasama

 

“gisingin mo nalang ako pag tapos ka na dumada” -__- at nahiga nga talaga siya!

 

“seriously? Tutulugan mo nga ako? HOY!” hindi na siya sinagot ni Lance kaya naman naupo nalang siya sa may gilid. Nag-iisip kung anong pwedeng gawin at pa na din kung bakit sila kinulong dito ng mga kasama.

 

“ang sama ng ugali nila. Christmas na Christmas naman kasi.”

 

Napatingin nalang si Sharlot sa hawak hawak niya kanina pa. ito yung bigay ni Lance.

 

“ibibigay mo din ba ito sa iba kung sakaling sila nabunot mo?” bigla niyang tanong kahit walang kasiguraduhan kung sasagot ba ang kasama o hindi. Tinutukoy niya yung singsing na naiwan niya noon sa hospital. Hindi niya alam na kukunin pala ito ni Lance doon at muling ibabalik sa kanya.

 

“hindi ko alam. Malay ko” saka pa umupo ng tuwid ito. Pero sa kabila ng pagkakaupo nananatili pa din siyang nakapikit.

 

Lumapit sa kanya ang dalaga. “ayusin ko ah” sabi niya saka niya tinali ulit ng maayos yung buhok ni Lance XD

 

Awkward man halos pinipilit pa din ni Miyuki na umasta na parang wala lang yung sinabi ni Lance sa kanya kanina. Hindi na nga lang niya ito iniisip para naman mabawasan ang nararamdaman niyang awkwardness.

 

Ang totoo niyan nahihilo si Sharlot ngayon dahil na din sa nainom at si Lance naman gusto lang manahimik saka pinapakiramdaman ang kasama. Hindi kasi niya ito mabasa at hindi niya alam kung anong balak nito.

 

“neh Ransu. Have you ever thought of---ah nandemonai.” Bawi din niya. Naglakad lakad na ulit ito at pumunta sa harap ng pintuan

 

 

“HOY! MAAWA NAMAN KAYO SAMIN DITO! BUKSAN NIYO NGA!” pero kahit masira yata ang lalamunan niya sa kakasigaw hindi pa din sila pagbubuksan.

 

“bakit ba gustong gusto mo ng lumabas? Ayaw mo ba akong kasama?” napatingin ang dalaga sa nagtanong na binata.

 

‘grabe! Lasing na yata talaga to’ isip niya

 

Pero totoo naman kasi. Madaming nainom si Lance kanina.

 

“hindi naman sa ayaw. Alam mo kasi Lance medyo hindi pa din ako comfortable kasama ka” prangka ang pagkakasabi nito. Walang halong pagka-sarcastic.

 

“I see”

 

Huminga ng malalim si Sharlot at lumapit sa nakaupong si Lance. madami siyang gustong tanungin dito. At may gusto pa siyang malaman dahil may gumugulo sa isipan nito ngayon.

 

“Lance yung about kanina kasi---“

 

“okay lang naiintindihan ko” sagot ni Lance kahit hindi pa natatapos ni Sharlot ang sinasabi.

 

“teka lang naman! Patapusin mo naman ako. kasi diba sinabi mo na mahal mo pa ako?” halata naman na nakuha ni Sharlot ang atensyon ng binata kaya nakatingin ito sakanya at hinihintay pa ang mga susunod na sasabihin ni Miyuki.

 

“kasi ang totoo niyan.---“

 

“I was hurt. Kahit papaano pala masakit ang thank you. Pero hindi kita masisisi ang gago kasi ng ginawa ko sayo. Kaya okay lang” humiga na ito at saka pumikit

 

“HOY! Hwag mo naman akong tulugan! Asar naman ‘to. Pwede naman siguro tayong maging magkaibigan kahit papano diba? Please? Kasi ayoko lang ng ganito. I mean wala tayong maayos na closure dati at isa pa ang dami kong gustong itanong”

 

 

Pareho lang sila na malakas ang loob ngayon. dahil na din sa alak na nainom nila kanina. Sabi nga nila PAMPATAPANG DAW YUN! PAMPALAKAS NG LOOB! XD

 

“magtanong ka. Sasagutin ko” sabi niya na may assurance ang tono.

 

“umupo ka! Hwag ka mahiga! Paano ako makakapagtanong ng maayos kung hindi ko naman pala namamalayan kung tulog na o hindi pa ang kasama ko!”

 

“tsk. Oo na” -___- Kahit kelan bastos talaga ang ugali ni Lance. umupo naman ito at sinunod ang kagustuhan ni Sharlot na umayos ito ng upo kahit na gustong gusto lang talaga niya mahiga kasi medyo nahihilo pa siya.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (782)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Cast

go ah raas miyuki sharlot parco
lee chi hoonas nathan lance mariano

Recommended

BALIW SAYO ♡ {ON-HOLD} [Editing]We Meet AgainTeenage Love Rumble (On-Going)Real Shivon o n e s h o t