Chapter 26

195K 2.2K 142
                                    

Dumiretso ako sa kwarto at umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung ano ang rason ko. Ang bigat lang ng nararamdaman ko. Basta, ang gusto ko lang gawin ay umiyak.

Pakiramdam ko tuloy napaka random kong tao. O baka naman nababaliw na ako? Why did I suddenly have to bring that up? Well was it my fault though? We were in the middle of talking about it. I had to ask!

I reached for my phone and text Max.

To Honey: Kita tayo?

Wala si Kris. At naiinis ako sa kanya! Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba feeling ko nagiging masama na naman ang turing nya saakin? O dahil nasanay lang ako na sa sandaling panahon ay kahit papaano naging mabait sya? Pinilig ko ang ulo ko. Of course not! At kung ganun man, bakit naman big deal saakin yun?

Halos mabaliw na ako sa kahihintay ng reply ni Max, pero isang oras na ata ang lumipas wala parin syang reply! Nilaro ko na lang ng nilaro ang malambot na unan sa kwarto ni Kris. Kamusta na kaya si Max? I hugged the pillow as if I'm hugging Max-- nilayo ko ang unan. Tsk. Amoy ni Kris to eh!

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Sa wakas naman!

From honey: Sorry hon. Ang dai kong tinatapos eh.

Imbis na malungkot ako sa text nya, nagalit ako. Ngayon nya lang ako tinanggihan! I was always his number one priority. Is he seeing another girl now that we don't see each other as often as before? He doesn't even bother to text and check on me anymore..

I teared up from the thought of Max having a new girlfriend.

To: Honey - Wow, ang tagal mo magreply ah, tapos wala ka naman palang sasabihin. We dont even see each other that much anymore, are you really that busy?

Naiinis ako! Hindi ko alam kung bakit naiinis ako kay Max o dahil bad trip lang ako. Basta nagagalit ako. Wala pang isang minuto ay nag reply na sya.

From Honey: Hon naman, graduating na ako. Madami talagang pinapatapos saamin. :( I miss you.

Tss. I knew it. He's definitely seeing another girl. Hindi ako nagreply at pagkatapos ng ilang minuto ay nagvibrate na naman ang phone, kay Max ulit galing.

From Honey: Honey, next time ko na lang pala tatapusin, tara kita na tayo?

Napasapo ako sa mukha ko the moment I read his message. How could I treat him like this? I should be the understanding girlfriend here! What's happening to me? Ang bigat ng nararamdaman ko. I want to scream and shout because of some unknown reason and I wanna kill myself now for texting Max like that. How could I? Why am I being so unreasonable to him? And why should he suffer from my pain? From me?

Feeling ko babagsak ang luha ko anytime soon. At ako pa ang may ganang magreklamo sa kanya na busy sya. I don't deserve him! He is too good for me. Bakit ba ako nagkakaganito? Dahil ba kay Kris? Bakit naapektuhan ako sa kanya!? I texted back.

To Honey: No it's okay. Sorry sa inasal ko. Bad mood lang, tapusin mo na yan. Naiintindihan ko naman. I love you. :)

Naghesitate pa ako kung ilalagay ko pa yung word na I love you. Bakit ba parang ang weird saakin na sabihan sya nito pag nag te-textan kami? Dati naman halos oras-oras kaming nagsasabihan nito ah. Issh, ewan.

Nagreply pa sa saakin na meron pa naman daw syang oras para doon. Pero sabi ko, lumabas na lang kami pag natapos nya na ang lahat. Alam ko naman na busy na talaga sya, ayaw nya lang ako magalit. Graduating na sya at hindi naman dapat 'kung kailan ko gustuhing lumabas kami, eh masusunod na. May sinusunod parin syang schedule, at ayoko namang mahirapan sya ng dahil saakin

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon