Our 120 Millimeters Gap [One-Shot]

1.2K 37 11
                                    

12 centimeters. 120 millimeters. 

Ganyan ka lang kalayo sa akin tuwing may klase. Alam mo ba yun?

Siguro hindi. Ako lang naman ang baliw na pati ang eksaktong sukat kung gaano ka kalayo sa akin ay inaalam at pinapansin pa. Pero masisisi mo ba ako kung bakit ako nagkakaganito? Akala ko isa lang pangarap na mabigyan ako ng pagkakataon na makatabi kita sa huling taon natin sa high school. Pero eto ngayon tayo, mayroon lamang 120 millimeters gap sa isa’t isa. Hindi mo ba alam kung gaano nagagalak ang puso ko? Dahil kahit ilang oras lang sa isang araw, nararamdaman ko na malapit ako sa iyo, physically.

“Ms. Shale Reyes!"

Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang pangalan ko. Agad kong inalis ang tingin ko sa iyo na wala man lang pakealam sa mga nangyayari sa paligid at lumingon sa kanina pang nagsasalitang teacher.

“Yes, ma’am?”

“You better listen or I’ll kick you out of this classroom”

“Sorry po.” Nakita kong nagtinginan pa ang mga kaklase ko sa akin kaya napayuko na lang ako sa hiya. Ayan. Dahil sa iyo, napagalitan na naman ako for the nth time. Pero… dapat ba talaga kitang sisihin? Ako itong hindi mapigilan ang sarili kong mahumaling na lamang sa pagkatao mo. Ako itong patuloy na umaasa na mapapansin mo na ako. Ang lapit mo na sa akin, oh. Pero hindi pa pala sapat ang 120 millimeters. Ni ha, ni ho wala pa akong naririnig sa iyo. Ganoon ba ako kahirap kausapin, Slate?

 Yes. You are physically close to me. 120 millimeters to be exact but.. your heart is still out of my reach.

--------------------

"Pwede mahiram ang notes mo sa Math at Physics?”

Iyan. Iyan ang sinabi mo sa akin sa ating unang pag-uusap nung dismissal. Hindi ko alam na mapapalitan pala ng saya yung lungkot ko sa dalawang araw mong pagliban sa klase. Agad kong kinuha ang Math at Physics notebook ko sa bag at chineck muna ito bago ko ibagay sa’yo. Lihim akong napabuntong hininga. Buti na lang at maayos at kumpleto ang notes ko.

“Ito oh.” Iniabot ko sa iyo ang mga notebook ko na may mga ngiti sa aking mga labi.

“Thanks,” sabi mo pagkakuha ng mga ito at nanahimik ulit sa upuan mo habang kumokopya ng mga notes ko.

"Umm.. S-slate, bakit ka pala absent nang dalawang araw?” Hindi ko mapigilan ang sarili ko at tinanong na kita. Hindi mo ba alam na sobra akong nag-alala sa iyo?

Napatigil ka sa pagsusulat at tumingin sa akin habang nakakunot ang noo. “Bakit mo tinatanong?”

“H-ha? Umm.. wala lang.” Napaiwas ako ng tingin sa iyo. Sobrang ka kasi makatitig, nakakatunaw. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa iyo.

“Wala lang pala eh. Hindi mo na kailangan malaman,” sabi mo ulit sa akin at binalik mo na ang sarili mo sa pagsusulat.

Pinagmasdan lang kita habang nagsusulat ka. Mukha naman napansin mo ito kaya napatigil ka at tumingin ulit sa akin. “Ano pang ginagawa mo dito?” nilibot mo ang mga mata mo sa classroom natin. “Wala nang tao dito oh. Hindi mo na ako kailangang hintayin. Ibabalik ko din ito bukas.”

Umiling ako. “Hihintayin ko na, Slate. Para kapag may hindi ka naiintindihan pwede mo kaagad akong tanungin.”

“Bahala ka,” sabi mo at bumalik ka ulit sa pagsusulat.

Our 120 Millimeters Gap [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon