Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

Madaming nangyari.

Hindi niya na alam kung paano nagsimula ang lahat. Hindi niya na rin alam kung paano magtatapos. Hindi niya kasi alam kung anong totoong gusto niya. Kung ano na talaga yung nararamdaman niya.

"Naayos ko na lahat anak." Sabi ng tatay niya, pagpapatungkol sa mga papeles, at ticket papuntang Italy.

"Opo..." gumanti siya ng ngiti sa ama. Ayaw niyang nagaalala ito.

Pero madaming pumapasok sa utak niya. Eto na naman kasi siya tumatakas. Naalala niya nung nakaraang debut niya, nang wala na siyang magawa at mapuntahan, ang pagtakas sa problema na lang ang ginawa niya. Sumama siya sa ama pabalik ng Italy.

"Pahinga ka na..."

Yun lang at umalis ulit ang tatay niya. Alam niyang wala na rin itong masabi sa kanya.Kailan pa ba siya nagpapahinga? Eto nga at kagigisng nya pa lang. Matagal ng kalmado ang damdamin niya. Naroon ang paminsan-minsang pagsalakay ng sakit, pero kaya niya na ang sarili niya.

Humarap siya sa bintana. Ang liwanag ng sikat ng araw. Wala na yung madalas niyang nararamdamang pagkahilo at pagsama ng pakiramdam. Napahawak siya sa tyan niya, sabay ng pagbigat ng kalooban niya. Heto na naman siya, tatakas sa mga problema. Aalis ng bansa.

Tama ba to? Tama ba ang gagawin ko?

May narinig siyang nag-doorbell. Bago niya pa namalayan, tumatakbo na siya para buksan ang pintuan.

"Oh? Manang?" sabi niya ng makita si manang Lourdes na nakatayo.

Pinapasok niya ito sa loob. Gaano katagal niya na ba hindi nakikita si manang? Oras? Araw? Hindi niya na namalayan. Ayaw niya mang isiping may inexpect siya na mapagbuksan sa pintuan bukod kay manang, pero sa tingin niya ay meron, kaya medyo nakonsensya siya. Niyakap niya ang kaharap.

"May inaantay ka yata??" tanong ni manang. Nabasa yata ang pagkagulat niya ng nakita niya ito.

"Ahhh.. H-hindi po..." pagdadahilan niya "Si Jhone po kasi... di ko pa nakikita."

Alam niya. Half-baked truth.

"Kamusta ka na?" mabuti na lang at nagtanong ulit si manang habang pumapasok sila sa loob.

Di niya alam ang isasagot niya. Ayaw niya sabihing okay na siya dahil hindi naman talaga. Pero wala na rin naman siyang malabas na sama ng loob. "Aalis na po kami ulit ng papa..."

"Ganun ba?? Mag-iingat kayo..."

Sa totoo lang. Nagulat siya sa isinagot nito. Hindi na ba nito ipagtatanggol si Kent? Suko na rin ba ang lahat katulad niya? Baka nga tama talaga ang ginagawa niya, ang isipin ang sarili at lumayo.

Pero bakit ganito yung nararamdaman ko?

Sa isip-isip niya. Para kasing may mali pa rin? Nasanay na ba talaga siyang pilit na pinagtatanggol ng lahat ang relasyon nila kaya ngayong, sumasangayon na ang lahat sa kanya, simula sa ama, at kay manang, ay iba ang nararamdaman niya?

Naninibago lang ako... Pero ganito talaga, kailangan na masanay. Naninibago lang ako kasi hindi na magulo... Hindi na komplikado...

"Kayo din po... Mamimiss ko po kayo..."

"Hwag papabayaan ang sarili ah..."

"Opo..." parang maiiyak na naman siya kahit parang naubos na lahat ng luha niya sa mga oras na iniyak niya. Kaya pinigilan niya yun. Lalo pa ngayong hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.

 Lalo pa ngayong hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon