Chapter 75- The Final Chapter

694K 9.1K 2.3K

Secretly Married is now published in print

Summit Media, PopFiction | English

Available in bookstores and newsstands nationwide

287 pages come with a free bookmark

195php

 SECRETLY MARRIED THE FINAL CHAPTER

“Di ka mapakali??! Pwede bang magrelax ka? Sumama ka na lang sana kay manang??!!” totoong naiiritang sabi ni Harley kay Jhone.

“Pinapalayas mo na ba ako?!” paaikot-ikot pa rin si Jhone. “Tama ba yun?? Tama ba ang ginawa mo? Pano pag iba ang naging meaning nun kay Kent? Pano kapag… kapag… HAAAYYY!!!”

“Umupo ka nga! Stop pacing! Sumama ka na lang dapat kay manang kung gusto mong makita si Isabelle. Hindi yung puro ka ganyan. Bakit ba hindi ka sumama?”

“Hindi ako sumama kasi… kinakabahan nga ako eh! Aalis na daw sila Fibboy mamaya… eh di ko pa nakakausap si Kent… Si Kent ang gusto ko puntahan eh…”

“Hwag na… Pabayaan mo na…” sagot ni Harley habang nagbabasa ng isang maliit na libro.

“Bakit ba ganyan ka ka kampante?!! Gagana ba talaga yung tactics mo? Talaga bang reverse psychology yun oh sadyang bukal sa kalooban mo ang paggiging masaya pag nagdivorce sila??” tanong ni Jhone.

“Tss… Let’s just keep our fingers crossed.”

“ANSAMA MOOO HINDI KA PALA SIGURADOOO!!!! Aalis na nga si Fibboy eh!!! Hooloo Pano na to!! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag wala akong nagawa!!!” tuloy-tuloy ang pagbubunganga ni Jhone sa harap ni Harley.

“Hello! Philip!!” hindi niya nakitang may tinatawagan pala si Harley. *________*

“Si Philip???!!!!” nagulat naman siya sa tinawagan nito.

“Oo… Ahh…Tonight, baka pwedeng pahandaan mo ng cameras. Sa airport… It’s a big news right? Spread it to your friends? It’ll be a hit!!!”

“ANONG CAMERAS??? PAKA-USAP KAY PHILIP!!!” singit ni Jhone.

“Oo…” pero hindi siya pinapansin ni Harley “7pm? So Mga ganun… Wala lang basta… Last favor… Since you can celebrate na naman dahil sa pagkalinis ng pangalan mo diba?”

“Pakausap ako!!” bulong ni Jhone sa gilid.

“Okay thanks bye…” pero tuluyan ng ibinaba ni Harley ang phone. (__ __”)

“Masamang nilalang si Keith Harley Vilalluz!” sumbat nito.

“Bakit mo ba kakausapin yun?” maang na sagot ni Harley “Close kayo?” balik na naman ito sa pagbabasa ng libro.