Kabanata 17

1.6M 41.5K 20.7K
                                    

Kabanata 17

Bubbles

Nagpasya kaming magbihis muna bago kumain. Gusto niya rin kasing maligo muna at ako naman ay abala sa pag aayos. Wala naman akong choice sa sosootin ko kasi hindi ko naman dala ang buong closet ko, pinili ko na lang ang isang itim na bouncy dress.

Naglalagay ako ng lipstick nang bigla siyang pumasok ng nakatuwalya lang. Naka evil smirk na siya pagkapasok niya pa lang. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa batok. Ang isa naman ay nakahawak sa tuwalya.

GOD DAMN IT! This is ridiculous! Medyo nag-smudge tuloy ang lipstick ko. Agad ko itong pinunasan ng tissue. Hindi ko na ulit siya tinignan dahil nakahalukipkip siya sa gilid ko ngayon.

"Sandali lang." Utas ko.

Nanginginig ang kamay kong nilalagay ulit ang lipstick ko.

"Yeah, sure." Malamig niyang sabi.

Tumayo ako ng maayos pagkatapos kong mag lipstick. Napalunok ako at tinignan siya. Damn. Yung pagkakahalukipkip niya, mas lalong na de-define ang muscles.

Lalagpasan ko na sana siya pero mas lalo siyang ngumisi at hinawakan niya pa ang braso ko.

"W-What?" Nauutal kong sinabi.

Tumaas ang kanyang kilay, "I can almost see you drool, babe." Tumawa siya.

"Bakit? Mukha na ba akong aso at naglalaway na ako? Tss. I don't... drool over... normal things." Sabay sulyap ko sa katawan niya.

"Normal, huh?" Humakbang siya palapit sakin.

Naramdaman ko ang basa niyang katawan. Ang kabuuan masidhi at makisig niyang aura. Lalo na tuwing pinapasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok. Tumitindig ang balahibo ko kaya agad na akong umtras.

"Ugh! Ang manyak mo talaga. Stop it, o baka hindi na tinidor yung isasaksak ko sayo."

Tumawa siya, "Damn girl. Sarap mo talagang inisin."

Kinalabit niya ang pisngi ko, hinawi ko agad ang kamay niya at sinapak-sapak.

Dumampi ang kamay ko sa dibdib niyang basa pa sa shower. Hinawakan niya agad ito ng mahigpit at hindi na ulit pinagalaw. Pumiglas ako pero dahil malakas siya ay hindi na talaga nakagalaw ang kamay ko.

Pilit niya itong tinaas papunta sa mukha niya. Nalaglag ang panga ko. Nakangisi siya at matindi ang titig sa akin. Nangatog ang binti ko at lumakas ang pintig ng puso ko.

"Shit! Rozen!" Sigaw ko sabay piglas.

Pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataong makawala. Inilapit niya ang kamay ko sa labi niya saka hinalikan ito ng paraan.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Naramdaman ko ang paghinga niya sa pulso ko. Ang maiinit ng buga sa hininga niya. Parang gusto ng bumigay ng sistema ko. Bumibilis na rin ang paghinga ko.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon