Chapter 50: Let's End This From The Start, Shall We?

99.7K 1.5K 232
                                    

Nick's pov:

Nagresearch ako sa kung aano ba talaga yung nawawala sa'kin. Alam niyo na, find the missing link kumbaga. Since narinig ko na ayaw ni Jacob na bumalik sa kin kung ano man yung nawala ko two years ago.

Una nagpunta ako sa family doctor namin at siya nga din yung naging doctor ko nung naaksidente ako. Sinabi niya na isa nga daw sa kinakatakutan nila nung mga panahon na yun eh ang mawala yung memorya ko, pero nung pagkagising ko daw hindi ako nagpakita ng kahit na anong signs na nawala yung memorya ko. Kaya hindi na sila nag-run ng tests. I'm scheduled to have further examinations next week, but I can't wait for another week. Sobrang tagal nun!

Tapos naalala ko yung tickets sa amusement park na nasa loob ng box. Kaya naman bumalik ako doon. Tinanong ko yung manager ng park kung may nagpareserve ba on the day na nakalagay sa ticket. At first they don't want to show their records, hindi naman ako pwede gumamit ng koneksyon kundi, PAKTAY AKO KAY JACOB! Kaya ayun, I just used my acting prowess. AYEAH! Drinamahan ko sila at kumagat naman ang mga loko. Wag sana nila tong mabasa. Hehe. Baka balikan ako ng mga yun.

Anyways, back to the search thingy. They give me a little bit of the information I needed. A guy named Dominic Salazar made reservations on the exact date as the date in the tickets that I have. Pero sabi nila hanggang doon lang yung kaya nila. WEAK niyo mga dude!

Kaya sariling sikap na naman. I searched his name sa google. Dominic Salazar turns out to be the only son of a rich businessman in the country, and may sister siya. Cheska Salazar. Which is, if I remember it right, classmate ko siya sa dating university na pinapasukan ko. Back to Dominic naman, he’s 2 years older. May picture din na pinakita dun and he's the same guy in my dreams! So totoo siyang tao? Akala ko imagination ko lang eh.

I've been staring at my laptop for almost half a day now. It's been three days of research and it brought me nowhere. Walang masyadong information na binigay sa internet about this guy. He seems so private. HAAAAYYY!! Is it dead end??

Denise come rushing through my door, screaming. "Mommy!! My fathers are here!!" tapos hinatak niya yung kamay ko habang sumisigaw ng "family day! family day!". At muli na naman pong nawala ang stress ko sa buhay.

Pagbaba namin ng hagdan, nandoon nga yung dalawang bugok. Tss. Tatlong araw ko na silang kinokontak. Nakailang daang texts at missed calls na rin ako sa kanila, pero kahit isa sa dalawa wala man lang sumasagot sa tawag o nagrereply sa texts ko.

"WOW! Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dito??" tanong ko sa dalawa.

"Magbihis ka Nick. May pupuntahan tayo." bungad ni Erick.

"Hindi ako nakahubad Erick. Ano bang trip niyo na namang dalawa?"

"Nick. Just do what we say, okay? It's important." sabi naman ni Charles.

"Family day! Family day!"  Si Denise, bigla naman siyang yumakap sa mga tatay niya.

"Teka nga Charles, kelan pa ko sumunod sa inyo?" sabi ko habang nakataas ang kilay at nakapamewang.

"Never. But we're hoping that you'll listen to us this time. Just this one time." Sagot ni Erick.

"Not until you give me a valid reason."

Bigla namang tumakbo pabalik sa kin si Denise after may ibulong sa kanya si Charles. Ano na namang balak ng mga to?

"Mommy. Let's go!" sabay hawak na naman sa kamay ko at hatak papunta sa hagdan.

"Where?"

"Upstairs. I'll dress you up!" sabi niya and her face is glowing with a smile.

"No you won't"

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon