EPILOGUE

211 10 8
                                    

 Last Chapter:: Epilogue

Napalingon ako dun sa nabunggo ko "...Nate?"

Maling-mali. Iniiwasan ko to diba? "Kamusta ka na?" sabi ko at inayos yung pagka-karga kay Matthew. Napatingin naman siya kay Matthew.

"Ayos lang naman. Anak mo?" Naghuhumerantado nanaman ang puso ko! Sht sht sht

"Ah. Oo." sabi ko at inayos naman yung strap ng backpack ni Matthew. Takte. Bakit kinakabahan ako?

Malamang. Anak niyo yan ni Matthew diba? Tapos hindi niya alam na may nangyari sa inyo! sabi ng utak ko, oo na! Bakit kailangan ipaalala pa?

"Talaga? Kinasal ka na pala! Kelan?"

"Ah.. eh.. hindi ako kinasal h-hehe" nagulat naman siya sa sinabi ko, totoo naman kasi diba? hindi naman talaga ako kinasal, edi sana may wedding ring tayong dalawa! lol

"ha? eh sinong ama niyan? Ano pala pangalan niya?" sabi nito at hinawakan ang pisngi ni Matthew. Bakit nung hinawakan niya ang pisngi ni Matthew kinilig ako para sa anak ko?! Bagay talaga sa kanya maging father! Sabagay ama nanaman siya, hindi niya lang alam.

"M-matthew."

"Tara upo muna tayo, isang taon tayo hindi nagkita! Ako na magdadala niyan!" sabi niya at kinuha yung backpack ni Matthew at umupo kami dun sa katabing inupuan ko kanina. "kamusta ka na? I mean, pagkatapos mong... uhm, nung nangyari hindi na ulit kita nakita, sabi ni Ellaine umalis ka daw?" namula naman ako sa sinabi niya! Yung kasing nangyari sa amin yung naisip ko eh, hindi yung nangyaring pagsira ko ng gown ni Ellaine.

"Ha? Oo, pumunta akong ibang bansa, at dun ko nakilala yung ama ni Matthew..." sabi ko at iniwas yung tingin! Huhuhuhu. Im a liar!!!<//3

"Talaga?! Hindi halatang may lahi ang anak mo ah! :)" ngumiti nalang ako sa sinabi niya, wala naman talaga siyang lahi actually....

"..Ikaw kamusta kana?" sabi ko at tiningnan siya sa mata. Grabe, ang ganda padin talaga ng mata niya, teka, napatagal ata at pagtingin ko sa mata niya kaya umiwas ulit ako ng tingin, at feeling ko namumula ako! Sorry baby Matthew, ang landi ni mommy, pero kay daddy lang ako malandi okay? :)

"Ah. Alam mo na siguro yung balita.." Bigla nanaman bumilis tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa dahilan kung bakit?!

"Kakarinig ko lang sa mga kabataan kanina, bakit pala? Sayang naman yung ginawa ko..." sabi ko at tinuon yung tingin ko sa ibang lugar. Kinakabahan kasi ako okay?

"Onga eh, nanghinayang din si Ms. Jessica, pero kasi... alam mo na wedding jitters." nakahinga ako ng maluwag! WEDDING JITTERS?! NAMAN OH ELLAINE KUNG AKO SAYO HINDI NA AKO MAGDADALAWANG ISIP HUHUHUHU at si Ms. Jessica si Inay, at teka bat hindi ko nga pala to alam? kasi diba ayaw mong makasagap ng balita sa pinas noon? 

"pero.. uhm, okay na kayo?" parang cliche lang ah. Noon kasi, ako din yung kausap niya noong highschool kami nung nagbreak sila ng girlfriend niya.

"Yep. Civil na, hindi mo maiiwasan mailang, kasi diba... isa't kalahating taon din kami nagkasama.."

"sorry to hear that..."

SILENCE

awkward na, hmff.

"bakit pala hindi mo kasama umuwi dito ang ama ni Matthew?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya, siya naman ang umiwas ng tingin!

"busy kasi siya sa w-work... at tsaka miss ko na talaga ang pinas...." ano pang dahilan?! "...dapat sa isang taon uuwi kami para makasama siya, kaso hindi na ako makapaghintay......." HUHUHUHU ALAM KO PO MASAMA MAGSINUNGALING PERO SA PANAHONG GANITO? HINDI KO NA ALAM </////3

My First and Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon