Chapter 24

196K 2.3K 208
                                    

"I'm what?" Gulat na tanong ko. Tinignan ko syang mabuti, parang mabibingi ata ako sa sinabi nya. Nagjo-joke ba sya? Hindi. Hindi naman ata marunong mag joke ang isang to.

"Steph.." He sighed na parang napu-frustrate na sya at the same time naiinis. "I don't know why you're still trying to hide this from me."

"Me.. pregnant..?" Mabagal na tanong ko. Sa dalas ba naman namin gawin 'yun, hindi na imposible na mabuntis ako.. but still, I hope not. Not with Kris.

He gave me a cold look. "Don't play games with me, Steph. You.are.pregnant." Madiin na sabi nya sa mga huling words na binitawan nya. Alam kong hindi naman na dapat ako magulat, pero the way he said it, parang meron nga syang proof.

Kumunot ang noon ko. "I don't know what you're saying, Kris. Pero kung iniisip mong buntis ako, then no. Kakatapos ko lang, at isa pa, wala namang any sign."

"Then will you please explain this to me?" Mula sa pagkakaupo nya ay may kinuha sya sa ilalim ng table na nakuha naman nya agad. Isang pregnacy tester.

"Pregnancy tester?" Sabi ko na lang pero nag-iba yun sa pandinig nya.

"You're goddamn right, Stephanie."

"So? Anong kinalaman ng pregnancy tester na yan? Sa akin?" Tanong ko. Actually, bored na tanong ko. Guh! I have to rest!

"Bullshit! Why do you have to act so clueless?!" Naiirita na atang sabi nya. But damn! Wala akong alam sa pinagsasabi nya. "You're making it look so complicated!"

"Alam mo, kung wala kang matinong sasabihin, aalis na ako." Tumalikod na ako sa kanya at humakbang papataas.

"Fine! Nakita ko to sa basurahan sa banyo." Mahinahon nyang sabi. And that explains everything.

Kaya ba.. naging maalaga sya saakin this past few days? Kaya ba halos lahat ng kinakain ko nire-record nya? Na tuwing umaga sa paggising at bago matulog ay may nakahanda ng gatas? Kaya ba hindi nya ako pinagta-trabaho, at sa tuwing gagawin namin 'yun' he's being gentle? Kaya ba sobrang nagsorry sya nung iniwan nya ako noon? Kaya ba sya bumait?

Ang pagtataka ko ay napalitan ng ngiti bago ako humarap sa kanya. I saw his face with different emotions.. And when I realize na pinaggagawa nya lang yun dahil sa inakala nyang buntis ako..

"PFTTT-- A!" Hindi ko napigilang tumawa. I can't believe it! Ginawa nya ang mga yun dahil inakala nyang buntis ako? Naging sobrang gentle sya saakin? Jeez!

"Anong tinatawa tawa mo?" Napalitan ng inis ang mukha nyang kanina lang ay mukhang nagsusumamong malaman ang katotohanan.

Hindi ko na talaga mapigilan ang pagtawa ko. Pinahidan ko pa ang mukha ko dahil sa luhang tumulo. So all this time.. nagmukha lang syang tanga?

"Sht.." He silently cussed na parang hindi na nya alam ang gagawin. "Look.." Nagseryoso ang mukha nya, sinubukan ko din maging seryoso and somehow, napigil ko naman ang tawa ko.

Naalala ko kasi yung mga times na.. naging gentle sya. Naging mabait at caring. I really can't believe him.

And oh.. I forgot about the tester already. I didn't know he'll see it.

"Steph, I'm willing to take the responsibility, ayokong lumaki ang bata na walang.. kinikilalang ama." Seyosong sabi nya. I can understand him by that. He only cares for the baby, but thinking na wala naman talagang laman ang tyan ko..

I burst again.

"DAMN IT! Ano bang gagawin ko sayo?!" Naiinis na sigaw nya at napasabunot na lang sya.

Hinayaan ko munang ilabas ang lahat ng tawa ko bago ako ulit tumingin sa kanya.

"Kris," Kinuha ko sa kanya ang pregnancy tester. "Hindi saakin to."

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon