06: Understudy

101K 1.2K 247
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 6: UNDERSTUDY


Napatingin naman ako sa mahimbing na natutulog na si Cloud sa kama ko. I told him to crash here at our dorm for tonight since I knew that he wouldn't be able to go home in his state.

Naalala ko tuloy ang pinagusapan namin kanina.

"Ang dad mo? Bumalik na?" Nanlalaki ang mata ko nang itanong ko ito.

He curtly nodded. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao nito.

There has been bad blood between Cloud and his dad ever since the former was 8. His dad left his mom for another woman, abandoning their kids as well. Cloud has two little siblings--Sky and Sunny. They're twins and both are currently 11 years old.

Masama ang loob ni Cloud dahil halos isang taong gulang palang ang kambal nang iwan sila ng dad nila.

Lumipas ang limang taon ay bigla namang bumisita ang dad nila. Galit na galit nun si Cloud at sinabihan si Mr. Concepcion na huwag na huwag na babalik sa pamamahay nila. Simula nung araw na iyon ay hindi na bumisita si Mr. Concepcion.. until now.

Alam kong umaapaw ang galit ni Cloud ngayon kaya mas mabuting manatili nalang muna siya dito saamin dahil kung sakaling umuwi itong si Cloud sakanila ay baka magka-gyera pa sa residence ng mga Concepcion. Since Sabado ngayon ay wala rin si Yian dito sa dorm. Umuuwi ito sakanila every weekend. Umuuwi rin naman ako saamin pero kapag wala lang akong academic works na gagawin. 


Umupo ako sa tabi ni Cloud sa kama at dahang-dahang humiga upang hindi siya magising. Pinatong ko ang ulo ko sa braso ko at humarap kay Cloud. 

Pag gising 'to ay minsan gusto ko nalang tadyakan dahil parang pinagsakluban ng kasungitan at kapilosopohan, ngunit pag tulog ito ay total opposite. Parang napakapeaceful ng lahat na tila ba isa siyang anghel. Pero kahit ganun ay hindi ko magipakakaila na napaka pogi niya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong i-trace ang daliri ko mula sa mahahaba nitong mga pilik mata, papunta sa matangos niyang ilong at sa mapupula niyang mga labi. Ramdam ko ang mainit nitong hininga mula sa nakaawang niyang labi.

I immediately retracted my hand when he started to stir in his sleep. Dahan-dahan nitong minulat ang kanyang mga mata at malalim akong tinitigan.

"Sorry, did I wake you up?" Mahina kong tanong. Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay bumaba ang tingin nito sa labi ko. Agad naman akong kinabahan.

Hindi ko alam anong sumapi saakin at tinakpan ko ang bibig ko. Tumaas naman ang isa nitong kilay.

"Anong ginagawa mo?" His voice was a bit hoarse.

"Umm.." Nahihiya kong imik. "Wa-wag mo 'ko halikan." Nauutal kong sagot.

Kumunot naman ang noo niya. "Sinong nagsabi na may balak akong halikan ka?"

Namula naman ako sa hiya. Inalis ko ang kamay mula sa bibig ko.

"'Yung tingin mo kasi sa labi ko!" Pagdepensa ko

Bigla namang gumuhit ang isang ngisi sa labi niya. Mapaglaro ang mga mata nito. "Baka naman ikaw ang may gustong humalik saakin?"

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon