Ang buhay, punong-puno yan ng mga 'butas'..

Nasa tao yan kung paano nya pupunuan ang mga ito..

Kaso.. kapag PUSO na ang may butas..

Mahirap punuan yan..

Kasi.. ang butas sa puso..

Matakpan man yan..

Lagyan man yan ng kahit ano..

Bubuka at bubuka pa rin yan..

Pero kung ang dahilan ng 'butas' ang magpupuno..

Dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari..

Mapuno..

O

Mawasak..

Nag-iisa lang ang butas sa buhay ko..

Nag-iisa lang ang espasyo na naririto..

Ito yung..

Iniwan nya ako..

Mali..

Hindi nya ako iniwan..

Nagkataon lang na..

Hindi ako ang pinili nya..

Kaso..

Parehas pa rin yun sa akin..

Parehas..

Masakit..

PART ONE: RECUPERATION

Chapter one

Hindi ako umiyak ng umalis ako at nang sinundo ako ni kuya galing sa school ng gabing yun.. nakatingin lang ako sa langit, mukha yatang makikisama pa sa akin ang panahon..uulan..

Ulan..

Ito ang pinakadahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon..

Kung hindi lang umulan noon..

Hindi ako magsta-stay sa capilla

At hindi ako makakapagkumpisal sa kanya.. 

Haaaaayyy..buhay..

Bakit pa kasi nakilala ko xa?

Hindi umimik si kuya kahit alam kong nasesense nya ang lahat.. bago ako bumaba sa kotse ng nakauwi kami, sinabi ko na sa kanya..

"Kuya.." 

"hmm?" 

"Wala na kami" 

"Ha?bakit?paa-" 

"Kuya..next time na lang, pagod ako"

Hindi ko na pinakinggan kung may sasabihin pa si kuya..pagkapasok ko sa bahay, alam kong tulog na ang mga magulang ko, dumerecho agad ako sa banyo at nilinis ang mukha ko.. hindi ko tiningnan ang sarili ko sa salamin.. pagkalinis ko ng mukha ko, derecho kwarto, nagpalit ng pantulog at natulog na ako..

Natulog.. tsk! Lokohin mo ang sarili mo!

Nakatingin lang ako sa langit, umuulan.. lumuhod ako sa kama at tumingin sa langit..

Kahit umuulan, isa lang ang hinahanap ko..

Ang buwan..

Ang buwan lang ang tanging saksi ng mga paghihirap ko..

Kaso hindi ko xa Makita ngayon..

Unti-unti alam ko.. pumapatak na naman ang luha ko..

Hindi ko na xa pinigilan.. hindi ako malakas, hindi ako matibay..