Previous Page of 4Next Page

A KISS IN THE RAIN

spinner.gif

A KISS IN THE RAIN ~23~


"Ayoko sanang manggaling sa'kin 'to Jade.. Pero bakit hindi ka na lang makipaghiwalay kay Steve.."

 

"Mahal ko si Steve, Jared.. Mabait naman siya, may ugali nga lang.. At gusto ko sana ako makapagpabago nun sa kanya.." sakit naman nun.. kung malalaman niya kaya na niloloko siya nina Steve at Kristine.. sasabihin pa kaya niya na mabait si Steve at mahal niya si Steve??

 

"Jade, may sasabihin ako sa'yo..."

 

"Ano yun Jared?"

 

"May alam ako tungkol kay Steve.."

 

"Anong ibig mo sabihin Jared? Anong tungkol kay Steve.."

 

"Hindi pa ko sigurado pero baka dapat mo na din malaman.. Ikaw naman kasi ang girlfriend at mararamdaman mo naman siguro kung totoo ba o hindi itong sasabihin ko ngayon.."

 

"Ano ba talaga yung Jared, kinakabahan naman ako sa'yo.."

 

"Si Steve kasi tsaka si Kristine.."

 

"Anong tungkol sa kanilang dalawa?"

 

"Sa tingin namin ni Jeff may tinatagong silang relasyon.."

 

"Ano?!" gulat na tanong ni Jade.. "Hindi totoo yan! Paano mo nasasabi yan Jared?! Pati si Jeff?!" dagdag pa niya.. halatang hindi niya gusto yung sinabi ko...

 

"Wala pa kaming solid proof na magpapatunay na may relasyon sila.."

 

"So bakit mo sinasabi na meron?! Wala naman pala kayong proof?! Alam kong asar ka kay Steve at alam kong hindi magkasundo si Steve at Jeff kahit na magkapatid sila, pero hindi rason yun para siraan niyo si Steve sa'kin!"

 

"Hindi ko siya sinisiraan sa'yo Jade.. Concern lang ako, kaya ko sinabi 'to sa'yo.. Huwag ka namang magalit sa'kin Jade.. Please.."

 

"Paanong di ako magagalit.. May problema na nga kami ni Steve, dinadagdagan mo pa.. Sinisiraan mo yung boyfriend ko sa'kin pati yung matalik kong kaibigan na si Kristine! Alam ko at alam mo na sa'yo may gusto si Kristine, tapos sasabihin mo na may relasyon sila ni Steve?!"

 

"Hahanap ako ng proof para patunayan sa'yo na totoo yung mga sinasabi ko.."

 

"Hindi Jared.. Ako ang magpapatunay sa'yo na mali yang mga sinasabi at hinala mo.. Bukas kakausapin ko si Steve.."

 

"Pero kung kakausapin mo siya idedeny niya lang yun panigurado.."

 

"Ako ang bahala at ako ang magdedecide kung anong gagawin ko.. Basta papatunayan ko sa'yo na mali ka.. Bye Jared.. Tapos na 'tong usapan na'to.."

 

Tapos bigla ng nawala si Jade.. Pinutol na niya yung call...

 

Kainis! Ang tanga ko! Bakit ko ba sinabi agad sa kanya, eh wala pa nga kaming proof ni Jeff.. Kainis talaga! Maling-mali yung ginawa ko.. Ngayon tuloy galit na si Jade sa'kin.. Anong gagawin ko?!

 

Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto ko.. Inis na inis at halos sabunutan ko na yung sarili ko, nang biglang pumasok si Inah..

 

"Kuya Jared... Tapos na kayo usap ni Ate Jade?"

 

Umupo ako sa kama at inayos yung buhok ko.. Binuhat ko si Inah at kinandong sa'kin..

 

"Bunso.. Sumakit ulit yung ulo ni Ate Jade kaya nagba-bye na siya.. Bukas na lang daw kayo mag-usap.." nagsinungaling na lang ako kay Inah.. 

 

Nag-pout siya.. 

 

"Huwag na malungkot si bunso.. Bukas naman ibibili kita ng maraming candies diba? Tsaka konting tulog lang naman bukas makakausap mo na ulit si Ate Jade.."

 

"Ok.." sagot niya pero halatang disappointed na hindi niya nakausap ulit si Jade.. Sana kahit hindi muna ko kausapin ni Jade bukas, kausapin naman niya si Inah.. 

 

Kinabukasan sa school, hindi ako pinapansin ni Jade, pati na rin si Jeff... Nagtataka si Jeff sa kinikilos ni Jade kaya tinanong sa'kin kung anong problema, at kinuwento ko naman kay Jeff yung naging usapan namin ni Jade kagabi..

 

"Bakit mo sinabi agad?" bulong ni Jeff sa'kin..

 

"Ewan ko ba.. Ang tanga-tanga ko nga eh.."

 

"Paano na yan?"

 

"Kailangan ko talaga humanap ng proof.."

 

"Goodluck.. sana nga may mahanap na tayo.."

 

"Sana.."

 

Akala ko during break, kakausapin ni Jade si Steve, pero ng nasa cafeteria kami tinignan ko yung table nina Steve, wala naman si Jade dun..

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (210)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Cast

Daniel Padillaas Jared
Kathryn Bernardoas Jade
Albie Casinoas Steve
Julia Montesas Kristine
Diego Loyzagaas Jeff

Recommended

Like We Used ToThe Promise (SHORT STORY)Aftermath of "Happily Ever After"Hindi Ko Siya Mahal [One Shot]