Chapter 5 ♥

847K 17.1K 2.6K
                                    

Chelsea POV

Nagising na naman ako ngayon ng maga ang mata. Hays. Ang beauty ko. Nu bayan.

May pictorial pa naman kami mamaya ni Adrian.

Nag-ready na'ko for school. Actually, hindi na nga ako masyadong nakapag-review kagabi dahil sa nangyari.

Baka mamaya may surprise quiz eh. Si Kyle naman kasi.

Di ko expected yung ginawa niya kagabi. Hindi ko akalaing magmamakaawa siya ngayon sakin na balikan siya. Bakit ngayon pa? kung kelang sumuko na ang puso kong mahalin siya?

But on the other hand, nagugustuhan ko yung nangyayari. Is it my chance to take revenge on him? Oops. Good revenge ha. Not an evil revenge. I mean, gusto ko lang maranasan niya din yung mga naranasan ko noon nung iniwan niya ako.

Hindi ganun kadali ang magpatawad diba? Lalo na kung sinaktan ka talaga niya ng hard.

Lalabas na'ko ng unit ko. Sabay kami ni Adrian na papasok eh. Always naman, pag hindi, kay James.

Pag-open ko ng pinto..

May bouquet ng red roses sa may pinto ko.

Kanino 'to? First time kong makatanggap ng flowers sa mismong unit ko. Kasi mula ng maging model ako, lagi akong nakakatanggap ng flowers, pero sa school lang yun kasi hindi naman public yung address ng condo namin nina Adrian.

Binusisi ko yung flower. May card. Binasa ko yung nakasulat.

Maganda ka pa sa umaga Baby ko. I love you. See you around. -Gummy Bear

Kyaaa!!!! Bakit may ganito. May nakasulat pang gummy bear. Naman Kyle!! Wag ganito, baka bumigay agad ako. Kasi naman. Bakit parang kinikilig ako? Aish.

"Wow, flowers."

Napatingin ako sa nagsalita. Si James pala kasunod si Adrian na kalalabas lang sa unit niya.

"Kanino galing?" tanong ni Adrian.

"Kay Kyle." Sagot ko. Syempre, honest ako sa kanila.

"Mukhang nagsisisi na talaga si Kyle at gagawin niya lahat masuyo ka lang MyLoves. Wag ka agad bibigay ha?" payo ni James.

"Hayaan mo muna siyang mahirapan." Sabi naman ni Adrian.

Babait nila 'no? He-he. Pero may point naman sila eh. Dapat ko naman talaga pahirapan si Kyle.

"Alam ko namang mahal na mahal mo pa din si Kyle pero sa ngayon, wag ka munang basta-basta bibigay sa ipapakita at gagawin niya para sa'yo." natatawang sabi ni James.

Alam naman nila kung ano talaga ang nararamdaman ko.

"Alam kong kinikilig ka dyan sa bulaklak. Pigilan mo yan. Tara na."

Mind reader talaga yang si Adrian, promise!


Sa school..

Naglalakad na kami sa hallway. Kakaiba yung tingin ng mga students sakin. O samin kayang tatlo? Parang may something eh.

Yung flowers nga pala na natanggap ko kanina. Ipinasok ko muna sa condo kanina bago umalis.

Palapit na kami sa room ng mapansin ko na nagkalat ang red rose petals sa may pinto ng room namin.

"May nangyayari yata sa room." Sabi ni James.

Ano naman kayang meron?

Dumiretso na kami papasok at..

Namamalikmata yata ako.

Yung mga students biglang nagtayuan. Lahat may hawak na stemmed rose at nakatingin sakin.

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon