Chapter Forty Six- The Obvious

489K 9.1K 1.2K
                                    

ZYLIE's POV

Patay na ako.

Kakasabi lang eh. Magpapasabi muna ako sa kanila bago nila ako mahuli ng ganito. Eh anong nangyari? Bakit nakasunod si Mika sa akin dito?

"M-mika... Anong ginagawa mo dito?!" 

Silver help! Bakit kalmado ka lang diyan?! Bakit hindi mo ako tinutulungan?

"Sinundan kita! Malamang!" 

“Eh bakit mo naman ako sinundan? Eh bat nagpaiwan si Alyanna?” 

“Kasi nga, nawala ka na lang! Palagi ka na lang nawawala, eh nakita kaya kanina ni Yanny yung cellphone mo!” Hinila ko siya palayo ng kaunti kay Silver na wala naman yata kong balak tulungan. 

Kabadong-kabado na talaga ako.

“Nakita niya? Nakita pala ni Alyanna? Eh di alam niya na ngayon na ano... na kausap ko ngayon si Silver? Na... kami ni Silver ay..."  

“Hindi! Akala niya... Yung S.T. sa phone mo... ay si Sir Terrence. Yun nga rin ang akala ko eh. Kaya sinundan kita."

“SIR TERRENCE????” Di ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag! S.T.? Sir Terrence? Talagang papaniwalaan nila ang Muling Ibalik ang Pag-ibig 

“Oo! Sino pa ba? Kahit sinong makakita nun, hindi maiko-connect si Silver Torres sa mga pangyayari. God, katapusan na ba ng mundo?" 

“NAPAKASAMA MO? Anong katapusan ng mundo??!!” Grabe! Imposible bang mangyari yung… KAMI=SILVER+ZYLIE?? Kung mapapagreact naman itong si Mikaela!

“Biro lang Zy!” biglang bawi siya. "Medyo lang."

“Nahurt ako!” grabe. Pero medyo nakahinga na ako ng maluwag. Alam na ni Mika!

"May utang ka sa akin na explanation. Napakarami kong nakita ngayong araw na ito..."

“A-ano bang nakita mo?!” I need to know. Para alam ko ang damage control na gagawin ko.

“Uhhhmm…” Lumayo pa siya ng kaunti eh.

"ANO?" lalo tuloy akong naging anxious. 

"Yung..." ngumuso siya. "Ganun niyo. My virgin eyes." kunwa'y tinakpan niya pa ang mga mata niya. 

"Virgin eyes! B-bakit? Hindi ba kayo naggaganun ni Jupiter?"

"Boyfriend ko yun Zy. Kayo ni Silver... biglang-bigla ako. Kayo na ba talaga ni Silver.

I sighed. Alam kong alam niya na.

“MIKA!!! PLEASE!!! WAG MO MUNANG SABIHIN KAY YANNY!” luluhod na sana ako. Pero lumapit si Silver… Naconscious naman ako. 

“N-nagutom ka nuh? Nagugutom ka ba?" tanong ko dito.

Umiling siya. Nakatingin lang sa'kin si Mika.

“Baka ikaw. Eat up. Fatten your cheeks more." Ang sama talaga nito ni Silver. Palaging na lang pinagtitripan yung pisngi ko.

"Baliw ka talaga."

"Uhm excuse me, I'm here." singit ni Mika. "Excuse me lang talaga guys ah. Paano naging... kayo? No offense meant."

"None taken." sagot ni Silver at lumapit sa'kin. Hinawakan pa ako sa bewang. Naka-concious.

"Excuse me. May sasagot ba sa'kin here?"

“Pancake kase siya.” Sagot ni Silver.

“Ha?”sagot ni Mika. 

"Pasensya na Mika, medyo hindi siya marunong makipagcommunicate ng maayos dah--" 

“Bilog kasi siya. Tska mataba. Tska lahat ng kinakain napupunta sa pisngi. Isang nabubuhay na siopao. KYOT.”

Nakakaloka!

“ANG GULO NIYO AH!!! KAYO BA TALAGA?!!” naasar na si Mika.

Gusto ko siyang sagutin na oo, magulo talaga kami. Kung alam niya lang kung ano ng pinagdaanan ko sa kanya sa sobrang gulo niya.

Maya-maya may sumisigaw sa likod. 

“Anong ‘kayo ba talaga’?” tanong ni Yanny. “Sino??”

"Yanny?

"FRIENDS BAKIT NAPAKATAGAL NIYO NAMAN NAUBOS KO NA YUNG--" Si Alyanna. Dumating siya.
"H-hi Silver." 

Hindi pala narealize ni Yanny na kasama namin si Silver nung paparating siya.

“Yans… Tara kain na tayo!!!” kabado na ako.

"Teka, sino ba yung pinaguusapan niyong 'kayo na'? Sino bang may relasyon? 

“Obvious ba?” sagot ni Silver.

*later*

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon