HPD 35

231K 3.2K 97
                                    

[ 35 ]

Nichole's POV

"Mom! I said who is Sheila Arpiza?!"

Ibinalik niya uli ang tingin sa akin at kalmadong sinagot ang tanong ko.

"Oh si Sheila ba? She's just an old friend but I haven't seen her for almost two decades, I guess. Why did you ask about her anyway?" Painosenteng tanong niya pa sa akin.

"An old friend nga lang ba, Mommy? Or there's more than that?"

"Ano ba'ng pinatutunguhan ng tanong mo, Nichole? I said she's just an old friend of mine. Why are you so interested about her?"

Pilit ko pa ring kinocontrol ang galit na nararamdaman ko ngayon. I took a deep breath and pinilit kong sumagot nang mahinahon.

"I already know the truth, Mom."

"What truth?"

Painosente pa ring tanong niya na parang hindi niya pa rin alam kung ano ang tinutukoy ko. Mas lalo akong naiinis sa ginagawa niya.

"That you just stole Dad from her!"

And tears fell from my eyes again.

"What? Can you still hear yourself? Do you know what you are saying?"

Parang sumasakit ang ulo ko na napahawak na lang ako sa buhok ko. Umupo ako sa upuan malapit sa kinatatayuan ko.

"Mommy, pwede ba? Please, umamin ka na! What did you do to her? To Dad? Mom!"

"You're impossible, Nichole! And now, you are accusing me on something I don't even know about."

"Mom! Please!"

"Ano ba ang gusto mong marinig?!"

"Ang totoo!"

"Anong totoo ba ang gusto mong malaman?"

"Mom, alam ko na ang totoo. I just wanna hear it from you, so please..."

"If you're just doing this because of your engagement..."



"That's enough, Sylvia."

Sabay kaming napatingin ni Mommy sa pinto.

"Anthony, can you please tell me what's going on here? Especially to your daughter?"

Huminga nang malalim si Daddy.



Sherlyn's POV

Halos kalahating oras na rin mula nang umalis sina Papa at Nichole. Hindi ako mapakali. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa kanila.

"Are you okay?" Bulong sa akin ni Paul.

Nakangiting tumango lang ako sa kanya. Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin sabay ng paghalik niya sa ulo ko.

Kung wala si Paul, hindi ko alam kung magiging ganito rin ba ako kalakas sa pagharap sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Nasa sala na kami ngayon nina Paul at Kael. Katabi ko sa sofa si Paul habang nasa harapan namin nakaupo si Kael.

"Bakit, Kael? May problema ba?"

Tanong ko sa kanya. Panay kasi ang paglinga-linga niya sa paligid ng bahay. Hindi niya pinansin ang tanong ko at patuloy lang siya sa ginagawa niya na parang may hinahanap.

"Oy! Ano'ng problema mo diyan?" Si Paul na ang nagtanong sa kanya.

Nakasandal ako sa balikat niya habang nakaakbay naman ang isang kamay niya sa akin.

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon