Chapter 1 ♥

1M 16K 7K
                                    

After one year..

Chelsea POV

"Bagay na bagay sa'yo yang wedding gown Chelsea!" Nakangiting sabi ni Janna.

"Talaga?" Kasi naman baka hindi bagay.

Tumango pa si Janna habang nakangiti. "I promise. Nasaan na ba yung groom mo?" Tanong nya.

"Andun pa sa fitting room." Sagot ko.

Andun pa kasi si Adrian sa fitting room habang sinusuot yung kanyang white tuxedo.

Maya-maya ay lumabas na din si Adrian. Ang gwapo niya sa suot na tuxedo. Grabe. Makalaglag panty talaga ang ka-gwapuhan ng hub ko.

"Ay bongga Adrian, bagay na bagay sa'yo ah." Puri ni Janna.

"Ako pa ba?" Sabi ni Adrian saka humarap sakin. "Ayos ba hub?"

I showed him my two thumbs up. "Superb!"

"Ready na ba?"

Ayan na si baklitang manager. Start na pala ng pictorial. "Janna, wait for us nalang ha? Sandali lang naman 'to." Sabi ko.

"No need to say it okay? Go na. Baka ma-highblood pa si Manager nyo."

"Okay." Sagot ko. Inalalayan ako ni Adrian papunta sa pictorial area.

Oo nga pala. Marami ng nangyari sa loob ng isang taon. Dito ako mas naging matapang dahil na rin sa tulong ni Janna.

Nung iwan ako ni Kyle one year ago, wala akong ginawa kundi ang magmukmok. School, condo lang ang routine ko. Namayat nga daw ako nun.

Pero one day, pinilit ako ni Janna na tumambay sa mansyon nila and poof! Kung anu-ano ginawa nya sakin. Tinuruan din nya ko mag-ayos at mag-make-up.

Sabi kasi nya, mas makakabuti kung libangin ko muna ang sarili ko habang naghihintay kay Kyle. Pumayag naman ako hanggang sa hindi ko na pala namamalayan na natuto na'ko mag-ayos. Pati sa pananamit, nag-iba na rin ang taste ko. Mula nga noon, ang dami ng nanliligaw sakin. Pero syempre, on-guard sina Adrian at James.

Wala naman akong pinagsisihan sa mga pagbabago sa'kin. Isa pa, pinangaralan na ako ni Janna. She told me na pagbalik ni Kyle, wag na wag akong magmakaawa which is yun talaga dapat gagawin ko kasi mahal na mahal ko si Kyle.

Sabi ni Janna, ipakita ko daw kay Kyle kung anu yung binalewala niya. Kumbaga, para magsisi siya sa ginawa niya sa'kin. Na malaking kawalan ako sa kaniya.

Hindi ko nga alam kung makakaya ko. Kasi baka mamaya pag nakaharap ko na si Kyle, diko na mapigilang magmakaawa sa kaniya na balikan ako.

Pero sabi nga ulit ni Janna, sigurado naman daw na susuyuin ako ni Kyle once na malaman na niya yung totoo. At dapat daw magmatigas ako. Ipakita ko daw na kunwari wala na akong pakialam sa kaniya. Na wala na akong nararamdaman. Hayaan ko daw siyang magdusa bilang kabayaran sa pagdudusa na naranasan ko.

Ewan ko lang kung masusunod ko yung sinabi ni Janna.

Oo nga pala. Hindi ko rin pala expected. Model na'ko! Pati si Adrian. Mula kasi ng matuto akong mag-ayos at manamit ng maganda, may nakapansin na yata ng beauty ko.

May baklitang manager na kumuha samin ni Adrian. Nagmo-model kami ng kung anu-anong damit. Tulad ngayon, wedding yung theme kaya yun ang mino-model namin ngayon.

Akala nyo ikakasal na'ko 'no?

Sa loob ng one year, si Adrian ang lalaking nag-alaga sakin at nagparamdam ng pagmamahal. Hindi kami. Wala kaming relasyon pero super close na kami. Parang M.U ganun. More than bestfriends. Sanay na sanay na nga ako sa presensya niya. Daig pa nga namin mag-jowa. Kasi naman may tawagan kami. Si Adrian may gusto nyan. Hub yung tawagan namin.

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon