1

2.6M 19.2K 5.1K
                                    

Please read my new story The Blissful Sweethearts kapag nagustuhan nyo ang Perfect Haters. Thank you.

**********************************

Ang weird ng panaginip ko kagabi. Napakawild ko daw. Nag-iinom daw ako kasama ng mga lalaking never ko pang nakita sa buong buhay ko. Isa pa, hindi naman ako umiinom as in never ko pang na-try. Swear. Tapos sumisigaw pa daw ako at - ugh! Hindi ko na maalala. Parang other side ko yung nasa panaginip ko. Ang weird -



"Ah! Ang gwapo talaga nilang lahat." Sigaw nung mga babae na hindi ko alam kung nasaan. Panira ng moment. Busy akong alalahanin yung panaginip ko kagabi.


"Tuck I love you!" sigaw nung isang babae. Pagtingin ko sa second floor nandun ang isang bulto ng mga babaeng parang naghuhugis puso ang mga mata.


Kung makasigaw naman sila as if naman end of the world na. At sino naman ang tinitilian nila dito sa school?


"Bulaga!"


"Ay palaka!" napasigaw ako ng gulatin ako ng bestfriend kong si Jezhi. "What's wrong with you?"


Nandito nga pala ako sa school. First day of class kaya bawal malate. Naglalakad ako papunta sa first class ko habang iniisip yung napanaginipan ko kagabi ng bigla akong gulatin ng magaling kong kaibigan na kasalukuyang tumatawa dahil sa nagtagumpay syang gulatin ako. Phew! Ang haba nun.


"Eh nakakatawa ka kasi sis! Kung makikita mo lang yang facial expression mo baka matawa kadin." Explain ni Jezhi habang tumatawa.


Yes, isinisingit nya yung pagkukwento sa pagtawa. Ewan ko ba kung anong nakakatawa sa mukha ko. Eh nakayuko lang naman ako at nag-iisip ng biglang sumigaw yung grupo ng mga babaeng taga bundok.


Taga bundok kasi kung magsisigaw eh parang hindi nakakabulahaw. Agang-aga eh.


"Are you listening to me?" nagwave pa sya sa mukha ko. Nawala yung pagtawa nya nung mapansin nyang hindi ako nakikinig. I mean nakikinig ako, pero dahil naiinis nga ako hindi ko sya pinansin.


"Male-late na tayo so bilisan mo!" kahit ang totoo eh maaga pa. Wala lang akong masabi. Nauna ako sa kanyang maglakad at naiwan syang nakakunot ang noo.


At kung mamalasin ka nga naman sa dinami-dami ng taong makakasalubong ko si Zanea pa ang nakita ko.


Si Zanea lang naman ang ex-bestfriend ko. Tsaka ko na ikukwento dahil heto na sya sa harap ko in 3, 2, 1.


"Hey Alexa, good morning." Ang ganda ng ngiti nya, I wonder why.


Ngumiti lang ako then nilampasan ko sya.


"See you later!" sabi nya kahit nakatalikod na ko. Parang maganda yung mood nya. Di ko alam kung bakit.


Nagmake face na lang ako habang nagsasalita sya. Ang panget ng boses mukhang palaka. Ewwww! Gross! Teka see you later daw?

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon