Chapter 65

80.7K 1.7K 124
                                    

~Tracy’s POV~

 

 

“Nasaan na ba yung shorts ko?” tanong ni Sofie habang kinakalkal yung closet, hinahanap nya yung shorts nyang pang-volleyball.

 

“Babae ka ba talaga Bess?” tanong ko, ang kalat kasi ng closet nya parang hindi babae. -.-

 

“DL ako diba halata?” DL means Dating Lalaki. Tatawa na ba ako sa sinabi nya?

 

“Ewan ko sayo. Yun yung shorts mo oh!” turo ko sa shorts nya na nasa kama.

 

“Ayy! Nandyan lang pala ‘to.” Sabi nya tapos sinuot yung short. Naka-two piece kami ngayon pero naka-shorts kasi ang awkward para sa amin kung mag-b’beach volleyball ka ng kita ang kaluluwa. Nag-lotion kami at nag-ipit ng mataas at lumabas na ng kwarto.

 

“Ang tagal nyo Bess.” Sabi ni Cielo na nag-hihintay sa living room, nauna na siguro yung mga iba sa venue kung saan gaganapin ang  tournament. Excited na ko! Hihihihi. ^__^

Nag-lakad na kami papunta sa center ng island kung nasaan gaganapit ang tournament. Malayo pa lang kami ay kitang-kita mo nang maraming tao. As in! Ang daming chicks at mga boys! Hahaha. Lahat sila naka-swim suit at trunks.

 

“Kinakabahan ako.” Bulong sa amin ni Sofie. Ako rin! >.<  Mukhang ang gagaling pa nila kasi ang t’tan ng mga balat na halatang sanay na silang mag-lalaro ng volleyball sa beach samantalang kami na map’puti at parang first time kung mag-lalaro ng beach volleyball.

 

“Tssss.” Biglang sabi ni Cielo kaya napatingin kami kung saan sya nakatingin and Boom! Si Zander may kausap na babae. Tinigan namin si Cielo at ang sama ng tingin sa dalawa pero si Zander tawa parin ng tawa kasama nung girl. Oh oh…

 

“Tara na Bess!” hinawakan naming dalawa ni Sofie yung braso nya at hinila para hanapin sina Bess, mabuti na lang at hindi nya kami pinigilan.

 

“Bess, ang tagal nyo, number 23, 24, 25, 26, 27 tayo.” Sabi ni Shayne at binigay sa akin yung number 23 na ribbon na itatali sa braso.

 

“Nasaan na yung mga boys?” tanong ni Qim

 

“We’re here.” Sabi ni Kevin na nasa likod ni Qim. Nakasama nya yung ibang boys. Lumapit sa akin si Ivan at kinuha yung ribbon na hawak ko.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon