2nd Sale
Nakanganga kaming tatlo nina ate hanggang sa makalabas ng kwarto. Magpapatagalan kami sa paghawak ng isang relasyon? Eh pano kaya yun? Wala naman akong boyfriend ee. Tsk! UNFAIR.
“I can’t believe this. Kailangan ba talaga nating gawin yun? I mean, maayos naman ang grades natin tapos ganitong challenge yung ibibigay?”
Alam kong na-chachallenge tong si Ate Lorraine. Hindi yan madalas mag reklamo, para ngang ngayon ko lang narinig. Sanay kasi yan sa mga bagay na hindi pa nyan nasusubukan at itong pag bo-boyfriend ang kahit kelan, hindi pa nya naranasan.
Pero kung ako ang tatanungin, medyo lamang na sya sa’min ni Ate Kath.
Madali nyang mapapatagal ang isang relasyon. Hindi na kasi sya yung isang bata na kapag nagselos ay makikipagbreak na agad. Seryoso na sya sa mga ganitong bagay at alam kong madali nya lang ding matututunan kung pano nya hahawakan ang pag-iisip ng boyfriend nya.
“Haaay! Sa ganda kong toh, madali na kong makaka bingwit..”
Napatingin naman ako kay Ate Kath. Tama sya. Madali lang syang makaka huli ng isang malaking isda dahil maganda at sexy sya. Maganda din naman ako, pero hindi ako pala ayos. Hindi din ako nagsusuot ng mga sexy dress. Eh sya? Yun ang forte nya.
San naman kaya ako makakakita ng boyfriend?
“Ikaw Sydney, naihanda mo ba ang sarili mo dito?” tanong ni ate Lorraine.
“Hindi nga ee.”
Napatungo na lang ako. Para kasing sayang lang lahat ng pinag gagawa kong pag aaral, ganito lang din naman pala ang mangyayari.
Pero in other way, maganda din naman toh. At least, matututo akong maghawak ng isang relasyon habang nag-aaral. Sabi nung iba, mahirap daw. Pero pano kayang mahirap?
Umalis na sina ate at ako na lang ang naiwan sa labas ng kwarto.
Sumilip ako sa kwarto dahil mukhang may pinag-uusapan pa sina mama at papa.
“Hon, ano naman yung pinapagawa mo sa kanila? Hindi naman ata nila kakayanin yun..”
“If they can’t, pano pa ang paghahawak ng kompanya? Kailangan nilang matutunan na ibalanse ang mga bagay bagay sa buhay, hindi sapat ang puro pag-aaral.”
“Pano pag nasaktan sila? Hindi ka ba naaawa?”
“They need to grow up Hon, dadating naman lahat ng tao sa puntong magmamahal sila at masasaktan.”
“Sabagay, tama ka.”
Inalis ko na ang mga mata ko dahil wala naman akong mapapala. Pano ko kaya gagawin tong pagsubok sa’min ni papa?
BINABASA MO ANG
BOYFRIEND: For Sale
FantasyIsang hamon ang ibinigay ng ama ni Sydney sa kanilang magkakapatid. Ang laro? Makipagpatagalan ng relasyon sa boyfriend mo at kapag nanalo ka, hihiga ka na sa pera. Ngunit anong gagawin ni Sydney gayung wala naman syang boyfriend? Susuko na lang ba...