Fan of yours. <3 (JaiLene FanFic)

5.6K 48 2
                                    

Jairus Reuel Balagtas Aquino. Isa siyang artista na nakapagpa-baliw sakin. HAHAHA. Simula nang makita ko siya ulit, nag-iba na ang ikot ng mundo ko.. Noong kapahunan pa ng Super Inggo, hindi ko pa siya masyadong pansin. Pero may time na na-cute'an ako sa kanya.. Ang liit pa niya, at hindi mo talaga aakalain na tatangkad siya ng ganon.. At hindi mo 'rin aakalain na napaka-kulit niyang tao, napaka-bait, napaka-talented. Lalo ko pang nagustuhan sa kanya 'yung pagiging mahilig mag-Basketball.  Sobrang gwapo niya kapag nag-lalaro. Lalo na kapag pinag-papawisan siya.  Sobrang patay na patay ko sa kanya ngayon. Hindi ko aakalain na magiging FanGirl ako tulad 'nung iba. Grabe! Dati na-cocorny'han talaga ako sa kanilang mga FanGirl, pero ngayon, naiintindihan ko na kung bakit sila Internet Addict, nagiging Stalker, at 'di na makatulog sa tamang oras. Ngayon, naramdaman ko na lahat ng 'yun.. Na-experience ko na lahat 'yun. Sobrang saya pala.. Hindi ko talaga akalain na lahat ng klase ng pagiging FanGirl ay mahalaga.. Sa bawat pangungulit mo. Sa bawat post nilang ginagawa hindi nila alam kung gaano kasarap sa feeling malaman kung ano 'yung ginawa nila ngayon, kahapon, 'nung isang araw, 'nung isang linggo, 'nung isang buwan, 'nung isang taon, o kung gaano pa 'man katagal 'yun. Napakasaya talaga ng pakiramdam. Lalo na kapag nagpapa-kita ka ng magandang kaugalian sa mga FanGirl. :">

Sharlene San Pedro.
(One of Jairus Aquino's FanGirl)

Fall for You. &lt;3 (JaiLene FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon