Chapter-8 He is really ..

10.6K 241 60
                                    

Before anything else. Sabi ko hindi po ako maglalagay ng ibang characters, pero nilagay ko na po. ANd sabi ko tatanggalin ko, pero po sabi ng iba, wag na daw, story ko naman daw ito. I guess, tama sila :)

Bella's POV

Pagkapasok ko pa lang sa bahay, ano pa bang bago sa pinapakita nyang cold attitude sa akin? May bago ba doon?

Ang ikinagulat ko lang ay yung biglaan niyang paglapit sa kinatatayuan ko at ang ginawa niyang biglaang pagdakma niya ng mukha sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Narinig ko na yung unang tanong niya pero hindi ma-absorb ng utak ko kung bakit ganun yung tanong niya sa akin.

Si M-Marcus?

Anong kinalaman niya dito?

Si Marcus ay isa ding empleyado ni Jarvis sa kumpanya nito. Hindi ko magawang maisip ang dahilan para maisama niya si Marcus sa kung anong dahilan niya sa paghawak ng mariin sa mukha ko.

"Bingi ka ba?!" Lalong dumiin na naman ang pagkakahawak niya sa akin kasabay ng pagsabi niya sa pabulong na paraan ngunit alm mong may bahid ng galit at poot.

"H-hindi kita maintindihan.. Hindi ko alam ang sinasabi mo." Sa pagsasalita ko'y nawari ko na lalong dumiin ang pagkakahawak niya.

"Wag ka nang magmaang-maangan pa Bella! Gagawin mo pa akong tanga!" Akusa niya pa sa akin.

"J-jjarvis, H-hindi na ako m-makahinga" halos pabulong ko na sagot sa kanya dahil sa sobrang diin ng pagdakma niya..

Siguradong mag-iiwan ng pasa ito sa mukha ko.

Mukha naman siyang natauhan kung kaya't niluwagan niya ang pagkakahawak ngunit hindi pa rin niya inaalis ang kannyang mga kamay.

Dahil sa mabilis na pangyayaring mabilis siyang pumunta sa kinatatayuan ko kanina, hindi ko gaanong napansin na sobrang lapit na pala ng aming mga katawan.

Sa loob ng ilang mga linngong pag-stay ko dito sa bahay niya eh ngayon pa lang kami nagkadikit ng ganitong sobrang lapit.

Sa kabila ng sobra kong takot sa kanya nararamdaman ko parin itong ganitong pakiramdama. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil napapalayo na ako sa realidad.

"Do you want me to repeat again the question or I will.." Muli na namang napabalik sa realisasyon ng maranig ko ang pagkakasabi niya yun. Parang binitin niya talaga.

Tinignan ko ang mukha niya. Nahuli ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin at bumaba iyon sa aking mga labi.

Yung mga mata niya ay lumambot. Unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha....

at doon na ako nagsalita.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Jarvis. Hindi ko alam kung bakit si Marcus ang tinutukoy mo na kasama ko. Sila Jessica, Grace ... remember, mga kaibigan namin ni Princess" maagap at mabilis kung sabi sa kanya.

Black Butterfly's Daughter: A tough One (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon