Chapter 5

19.5K 344 71
                                    

I’VE NEVER BEEN THIS NASTY 2 (MITCHELL SANDERS)

 

Chapter 5

She just landed in Manila, merong mga ilang camera guy kahit gabi na, pero hindi kagaya sa ibang bansa na sobrang dami, lalo na sa may LAX, ang dami daming paps don. Mag isa lang siyang pumunta ng Pilipinas, nauna na ang iba niyang mga kasamahan sa Korea, tatlong araw lang naman siya dito at susunod narin siyang kaagad sa mga ito.

Napansin niyang may isa sa mga camera guy na lumapit sa kanya, binilisan niya ang paglalakad palayo dito. Pero nakasunod lang ito sa kanya.

“Ms. Sydney Winters, it is you right? Are you here for Mitchell Sanders? Are you two together now?” tanong nito sa kanya, bakit naman pati sa bansang Pilipinas ay namukhaan siya? Hindi naman ipinapalabas dito ang mga shows nila, hindi niya pinansin ito at nag dere deretso nalang siya sa paglalakad.

Sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa hotel kung saan siya tutuloy, magpapalipas lang siya ng gabi don at bukas ng umaga ay pupunta na siya sa resthouse ng parents niya sa Laguna. Pagkarating niya sa kwartong i-ookupa niya, nahiga siyang agad sa malabot na kama. Naalala niya ang nangyari sa kanila ni Mitch sa hotel room nito sa Singapore, ramdam na ramdam niya ang pag iinit ng buong katawan, tinakluban niya ng unan ang mukha.

Kahit may impluwensya siya ng alak, alam niyang ginusto niya ang ginawa nila at ayaw niyang pagsisihan yon, pero nakakaramdam siya ng pagsisisi, it’s something so beautiful pero pati ang puso niya ay bumibigay, hindi lang ang katawan niya at hindi niya papayagan iyon, he can have her body but not her heart, she’s been taking care of her heart, she can’t just hand it to him. Naiiyak siya, alam niya kung ano ang nararamdaman niya, she just wish that she’s just infatuated, ayaw na niyang mas lumalim pa. She’s not ready for deeper feelings.

May mga fifty minutes na siyang nakahiga at nakatitig lang sa salamin, binabawalan ang sarili sa damdaming muling pumupukaw sa kanya.

Katok ng mula sa nasa labas na nakapagpatigil sa pag iisip niya, naupo siya sa kama patalikod sa pinto at binuksan ang bagahe niya.

“Come in” sagot niya.

“So it’s true, you’re really here” bumilis ang tibok ng  puso niya.

Mariin siyang napapikit at huminga ng malalim bago tuluyang humarap dito.

-

Nang marinig niya ang tsismis mula sa mga tsismoso sa tabi dyan na nasa bansa daw ngayon si Sydney Winters dahil sa kanya ay kulang nalang ay magtatalon siyang parang bata sa sobrang saya niya. Sydney came for him. Pinapatawad na niya ito sa pang iiwan nito sa kanya noong nagdaang gabi. Ipinahanap niyang kaagad kung san ito tumutuloy, nang malaman iyon ay nagmadali siyang makarating doon.

Excited siyang Makita na ito. His Sydney.

Kumatok siya sa pintuan nito, sinabi niya sa receptionist na wag ng itawag dito ang pagdating niya dahil sorpresa niya ito dito, naniwala naman sa kanya ang receptionist sa pag aakalang may namamagitan sa kanila ni Sydney, halos ng lahat ng tao ay naniniwalang may relasyon na silang talaga ngayon, dahil sa pag aaya niya ng date dito at ang bastahan niyang panghihikit dito noong nagdaang Grand Prix, maski siya ay gustong maniwala na talagang may relasyon na nga sila, ngayong gabi, he’ll make sure that they will be an official couple, dahil hindi na niya itatanggi pa ang atraksyon na nararamdaman niya para dito.

I've never been this nasty 2 (MITCHELL SANDERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon