CHAPTER 2

180K 1.5K 133
                                    

CHAPTER 2

Pabalik na si Jin sa pwesto ni Aisha nang makita niya ang mga nagkukumpulang tao sa gitna ng bar at may ilan pang kumukuha ng litrato. Kinabahan siya bigla at nagmadaling pinuntahan niya iyon. Pero laking gulat niya sa nakita.

Si Aisha! Hinahalikaan ng isang lalaki!

Agad niyang hinawi ang mga tao at hinatak si Aisha mula sa lalaki. Walang lingon-lingon niyang inilabas ang babae sa bar. Sabay nilang tinakbo ang parking lot. Hindi nila alintana ang mga taong nababanga nila.

Gamit ang big bike ni Aisha ay nilisan nila ang bar at nakarating sa inuupahang apartment ni Jin. Maliit lang iyon na nakatayo sa rooftop ng isang maliit na three story residential na gusali. Umupo sila sa bench habang umiinom ng beer si Jin at si Aisha naman ay asar na asar sa sarili niya!

"Bwiset na lalaki na yun!" Nabigla siya nang lumabas sa bibig niya yun. Kanina pa niya gustong magwala kaso nahihiya siya kay Jin. Ang hirap palang magpakababae.

"Sino ba yun?" tanong ni Jin.

"Hindi ko alam." Totoong hindi alam ni Aisha. Pero ang nasa isip niya, malamang kasabwat iyon ni Yance at hindi niya iyon masabi kay Jin. Ang tungkol sa Yance na yun. Masisira ang imahe niya sa kaisa-isang crush niya.

Ibinaling niya ang paningin kay Jin. Shet lang kasi nakatingin pala ito sa kanya. Pakiramdam niya tuloy ay nag-init ang mukha niya.

"Pwede bang tumalikod ka muna?" It was a request from Aisha. Nagtataka man ay tumalikod na rin si Jin. Pero sa pagtalikod niya ay dumagundong ang sari-saring ingay.

BOOOGSSS!

CHIIINNGGG!!!!

Nagbasag si Aisha ng mga bote na nakita niyang nakakalat doon. Ibabato pa sana ni Aisha yung isang bote nang biglang humarap si Jin..

O____O ---> si Jin

Namimilog pa ang mga mata nito na kala mo ay batang nalilito. Nahuli pa niya sa akto si Aisha na may hawak na bote at ibabalibag na sana iyon kung hindi pa tumingin si Jin. Mula sa matapang na mukha ni Aisha ay sumilip ang isang awkward na ngiti.

^______^V

"Sorry ha...babayaran ko na lang yan...tsaka lilinisin ko mamaya," sabi pa niya bago muling hinagis ang pang huling bote at saka muling umupo sa tabi ni Jin.

"Bakit pinatalikod mo pa 'ko...magbabasag ka lang pala," natatawang sabi ni Jin. This girl is really amazing. One of a kind.

"Nakakahiya...baka sabihin mo...basagulera ako," nahihiyang sabi ni Aisha.

"Eh totoo naman, di ba?" pilosopong sagot ni Jin.

"Sabi ko nga," nakayukong sabi ni Aisha. U___U

Nakakahiya lang ang pinaggagagawa niya.

"You're cute anyway. Kahit ganyan ka," puri ni Jin sa kanya. Kaya napatingin si Aisha dito at tila isang batang tuwang tuwa.

^_____^

" Talaga?" Her eyes are even twinkling. *_____*

"Nasabi ko na ba sa'yong mahilig akong magbiro?" Nakangiting tuya ni Jin.

Naka-smile pa rin si Aisha. Tila iniintindi kung ano ang ibig sabihin ng kausap.

ANO RAW??

Analyzing....

Analyzing....

'Nasabi ko na ba sa'yong mahilig akong magbiro??'

10% loading

WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon