Kabanata 4

492 20 19
                                    

Agad namula ang mga pisngi ko. “B-bakit mo ako hinihintay?” Tanong ko sa kanya.

Umiwas siya ng tingin at nakinig na lang sa guro namin. Tinitigan ko siya ng mariin ngunit tutok pa rin ang kanyang mga mata sa pisara. Ganoon na rin ang ginawa ko tutal wala naman yata siyang balak na sagutin ako. 

Bahala siya sa buhay niya. Wala rin naman akong mapapala kung sakaling sagutin niya ang tanong ko.

Isang oras na lang at uwian na. Buong durasyon ng klase hindi nagkikibuan pero manaka-naka niya akong tinitingnan.

“Okay class, see you tomorrow.”

Agad kong niligpit ang mga gamit ko. Ganoon din si Seb at nagmamadali ang kilos niya. Nang isinukbit ko na ang bag ko, agad niyang hinatak ang aking mga kamay at hinila ako palabas ng classroom.

Napasinghap ang mga kaklase kong nakasaksi noon pero dedma lang si Seb at nagpatuloy sa paghatak sa akin.

Naglalakad kami rito sa corridor. Ang mga estudyanteng nakatambay sa labas, sa amin nakatutok ang tingin. May hula akong kilala si Seb sa eskwelahang ito dahil kaliwa’t kanan ang nagtatanong kung bakit niya ako hinahatak at kung sino daw ba ako. Hindi sila sinasagot ni Seb at patuloy pa rin sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa gate ng school.

“S-san mo ba ako dadalhin?” untag ko sa kanya. Tinangka kong bawiin ang mga kamay ko ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito.

“Wag ka nang magtanong.” Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad. Hindi ko na alam kung saan na kami pero itong si Seb, mukhang determinado akong dalhin kung saan mang lugar niya ako dadalhin.

Pumasok kami sa isang subdivision. Mukhang para ito sa mga may-kaya dahil maganda at magagara ang mga bahay na naroroon.  Siguro taga-rito siya dahil binati pa siya ng guwardiyang nagtataka sa kilos amin.

Maraming puno at mga bulaklak sa paligid kaya’t presko ang hangin. Nililipad-lipad pa ang medyo may kahabaang buhok ni Seb. Nahuhumaling na yata ako dahil naaamoy ko ang bango ng buhok niya. Agad ko itong iwinaksi sa aking isip.

“Nandito na tayo.” Ani niya.

Hindi ko namalayan na nandito na kami. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Tila paraiso! Napakaraming makukulay na bulaklak at dekorasyon sa paligid. Mayroon ding maliit na bridge at fountain na napapalibutan ng shrubs na nakakorte. Ang mga puno rin dito ay iyong primera klase at tipong inaangkat pa mula sa ibang bansa.   Mukhang alagang-alaga ang lugar na ito.

“Manghang-mangha ka sa nakikita mo ah.” Tila aliw na aliw siya sa nakikita niyang reaksyon ko. Agad kong inayos ang sarili ko at tumingin sa kanya.

“B-bakit mo ako dinala rito?” Hindi ko pa rin mapigilang mautal kapag kinakausap siya.  Sobra kasi siya kung makatingin sa akin. Iyon bang para niyang kinikilala ang buong pagkatao ko.

“Hindi ko rin alam.” Tumawa siya ng mahina at umupo sa may bench na malapit sa fountain.

“Basta ang alam ko, gusto  kitang makasama pa ng matagal.” Lunod na lunod ako sa mga titig niya. Pero parang may mali talaga.

Kahapon lang kami nagkakilala pero bakit ganito siya kung maka-asta? Pinaglalaruan lang yata niya ako. Hindi iyong mga tipo ko ang nais niyang maging kaibigan. Ang mga katulad kong may kapansanan ay laging napag-iiwanan, hindi kinakaibigan at laging kinakawawa.

Tumalikod ako sa kanya at naglakad na paalis.

“Saan ka pupunta?” Nagtatakang tanong niya sa akin. Binilisan ko ang lakad ko ngunit agad niyang naabot ang aking mga braso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Likod ng LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon