Previous Page of 5Next Page

Pevensie Corporation Book 1: "Impressions"

spinner.gif

“’Tay? Hindi po ba kayo nagbibiro?” Tanong na lamang ni Carmina sa kanyang ama. Kagabi pa pumapasok sa isip niya si Jhayem. Wala naman sa pagkakamali ngunit alam na niya ang sagot sa araw-araw na paghahanap niya dito. Mahal na niya ito. Si Enisce ang nanalo sa mga plano nito.

“Anak, alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko pero maniwala ka. Isang malaking pagkakamali kung habang buhay akong mananatili dito sa atin. Delikado ang buhay niyong mag-ina kung nandito pa ako sa tabi niyo.” Malungkot na pahayag ng kanyang ama.

“’Tay, ipagtatanggol ko po kayo. Dapat lang na ipaglaban niyo po na ang dahilan kung bakit niyo nagawa ang bagay na iyan.” Maiiyak na siya kahit wala sa ama niya ang isip niya.

“Anak, hayaan mo na akong umalis.”

Wala nang magawa si Carmina sapagkat nakapag-empake na ang kanyang ama. Hindi na rin niya kayang isipin pa ang mga problema sapagkat kailangan pa niyang ipaliwanag ang lahat kay Jhayem. Baka maintindihan siya nito. Habang naglalakad papunta sa trabaho ay nakasalubong niya ang kotse ni Jhayem.

“Carmina, sumakay ka na.” Nakangiti ito ngunit malalim din ang iniisip. Baka hindi tamang sabihin  niya dito ngayon ang kanyang problema. Dapat siguro sa ibang oras na lamang. Sumakay na siya sa kotse nito.

“Sir,-.”

“Jhayem, yan ang itawag mo sa akin. Ilang beses ko na ba dapat iyon sabihin sa iyo.” Mukhang hindi rin maganda ang gising nito. “Siyanga pala, baka hindi kita masundo mamayang gabi dahil may aasikasuhin akong trabaho sa housing. Baka bukas na ulit tayo magkita.” Nakangiti na ito ng maayos. “Mami-miss kita.

“Salamat po, Jhayem. Alam ko naman na talagang nag-aabala kayo ng matagal sa akin kahit iba po talaga ang mahal niyo.”

“Stop saying that. Hindi healthy na nagseselos ka sa iba ngayong nandito naman ako kasama mo.” Nagbibiro ba ito? Hindi rin niya alam ang sagot.

“Jhayem, may gusto sana akong ipaalam sa’yo.” Natahimik siya sandali.

“Ano ba iyon?”

“Pakiramdam ko kasi, sa pagkakataong ito ay mahal na kita.”

Gulat lamang ang rumehistro sa pagmumukha nito. Isang bagay na inaasahan na niya. Nakarating na sila sa kompanya at lagi lamang din silang nag-aasaran.

“Magandang umaga naman po sa inyo, Enisce.” Nakangiting bati niya.

“Carmina, mukhang hindi ka talaga masaya. Mabuti pa ay magpahinga ka nga muna. Jhayem, hindi mo inaasikaso ang partner mo.” Nakangisi si Enisce. Napakalaking gulo talaga ng kanyang ginawa sa buhay ng dalawang ito.

Habang nasa kuwarto si Enisce ay pumasok si Jhayem. “Ano ang kailangan mo?” Hindi na niya ito tinignan pa.

“Bakit pinapahirapan mo ako? Bakit pinapapili mo pa ako sa mga bagay na alam mong mahirap mapagdesisyunan?” Galit ito sa kanya.

“Jhayem, napakadali lang ng solusyon sa iyong problema.” Tumikhim siya. “Pakawalan mo na lang ang isang tinik sa buhay mo. Hindi naman siguro masama kung may mawala sa iyo. Huwag kang manigurado sa dalawa. Isa lamang ang iyong gawin. Ang tama.” Pagtatapos niya.

“Hindi na talaga kita maintindihan.”

“Nahihirapan ka kasi iniisip mo na may masasaktan. Puwes, isipin mo ang mas mahalaga.” Tumayo na siya. Bumulong siya sa tainga nito. “Gawin mo ang isinisigaw ng puso mo.”

Nakikinig si Carmina sa labas ng pinto. Kakaiba na ngayon ang nararamdaman niya. Mukhang mali ang timing ng pagtatapat niya ng damdamin niya para kay Jhayem. Dapat yata ay hindi na niya pa binanggit ang mga bagay na iyon.

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended