Chapter 36

997K 21.1K 3.4K
                                    

Chapter 36

Ang Boxers

Pinayagan nga ako ni Jayden na magkaroon ng bridal shower.

"Come on, Cha. He's mature enough to trust you and to let you go." Ngumisi si Erica.

Nandito sila sa suite namin. Dito kami naghanda. Nandito rin naman si Jayden, pero busy siya kaharap ang kanyang laptop para magtrabaho. Ilang araw na rin kaming wala sa Bantayan kaya panay ang trabaho niya online.

"I know... Pero madalas kasi siyang possessive. Ayaw niyang nagpaparty ako." Sabi ko.

"Hay! Isipin mo na lang na last na ito." Tumawa si Lyka. "Matatali ka na sa kanya, kaya hindi mo na ito madalas magagawa."

Tumango ako at nagpatuloy sa paglalagay ng make up. NIlagyan ko ang lips ko ng pink lipstick nang agad hinawi iyon ni Erica.

"Try this..." Sabay bigay niya sakin ng brick red lipstick.

Hindi ako sanay na mag mala-Anne Curtis ang lips ko. Naglalagay ako ng lipstick pero pink and peach shades lang. Umiling ako.

"Sige na! Bridal Shower, diba? Dapat mejo daring na lipstick mo!" Aniya.

"Daring naman talaga si Cha." Dagdag ni Lyka.

"O sige, mas daring pa!"

Kinuha ko ang lipstick at nilagay sa labi ko. Alright. Kahit na alam kong baka magalit si Jayden sakin. Ang iksi ng black tube dress ko. Yung tipong yuyuko lang ako makikita na agad ang kaluluwa ko. Wala namang kaso ito sakin. Komportable parin naman ako. Kaya lang, alam kong hindi magiging madali kay Jayden ang tignan akong ganito. He hated me because of my daring attitude.

Nang natapos kami sa paghahanda at isa-isa ng lumabas sa kwarto, naabutan namin si Jayden na seryosong naka toka ang buong atensyon sa laptop niya. Nang lumabas ako ay nakita kong umangat ang ulo niya at pinagmasdan akong mabuti.

Ngumuso ako at pinagmasdan din ang sarili ko.

"Ayos ba?" Tanong ko.

"Cha," Humahalakhak na tawag ni A sakin, "Doon na kami maghihintay sa parking lot. Be there ah." Agad na silang umalis na para bang may naghahabol.

Kumunot ang noo ko at bumaling ulit kay Jayden.

"Ano? Uhmmm..."

Tumikhim siya at tumayo. Humakbang siya papunta sakin at ang buong sistema ko ang nagsisigaw na hindi na talaga ako pupunta sa sarili kong Bridal Shower. Kung makatitig siya parang nahuhubaran na ako eh. Agad nanghina ang mga binti ko. Kahit tinitignan niya pa ako at papunta pa lang siya sa akin ay bumibigay na agad.

Nilagay niya ang ilang strand ng buhok ko sa likod ng tainga ko at tinaas ang baba ko gamit ang daliri niya.

"Ano? Okay lang ba ito? Ayaw mo ba? Pwede naman akong magpalit?" Dinig ko na ang panic sa boses ko.

Umiling siya, "I love you, Cha. Kahit ano pang soot mo. Kahit wala." Ngumisi siya.

Hinampas ko ang dibdib niya.

"Don't worry, I'll be a good girl, okay?" Ngumisi ako.

"I know."

Tumaas ang kilay ko.

"Sakin ka lang dapat bad girl, alright?" Humalakhak siya.

Naweirduhan parin ako kung paano niya ako pinayagan na magkaroon ng Bridal Shower na wala siya. Yes, I know it'll be ridiculous kung nandyan ang husband ko sa bridal shower, kaso it's not like him.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon