Chapter 35

1M 21.5K 1.3K
                                    

Chapter 35

Ang Mga Ex

Mabagal ang araw tuwing excited ka. Pero dahil mag asawa na kami ni Jayden at masaya ang bawat araw ko ay mas lalo na lang bumilis ang panahon. I don't want to end this little bubble of happiness. Masaya ako dito sa Cebu kasama siya. Kaya lang, kailangan naming i-meet ang parents niya. Syempre, nagpakasal kami ng wala siya kaya't kailangang espesyal na mapuntahan namin sila.

"Hindi ba strict ang parents mo?" Tanong ko nang hinahanap namin ang upuan namin sa eroplano.

Nasa Manila na ang mga pinsan ko. Anila'y kailangan nilang mauna para maghanda ng macho dancers. Really? Nakakatakot naman yan. Pwede siguro akong malasing ng bongga sa bridal shower, pero hindi yung tulad nang nangyari sa Cebu.

"Nope..." Ngumiti si Jayden at pinisil ang kamay ko.

Umupo na kami sa magkatabing upuan na nakatalaga saming dalawa. Siya iyong nasa window side pero gusto ko doon kaya hinayaan niya akong umupo dun.

"Talaga? Uh, naipakilala mo na ba mga ex mo sa kanila?" Tanong ko.

Tumango siya.

"Hindi ba sila nagalit sa kanila?"

Kumunot ang noo niya, "Ba't naman sila magagalit?" He pinched my nose. "Mababait yun."

Ang alam ko may dalawang kapatid si Jayden. Babae at lalaking nakakabatang kapatid. Ano kaya ang itsura ng mommy niya? How about his dad? Yung lalaking kapatid? Yung babae? Wala akong inisip kundi ang mga kapatid niya sa buong byahe. Siya naman ay abala sa pagsagot sa mga tanong ko.

"I'm getting really really nervous."

He smirked, "Ito ba ang first time mong ipakilala sa family?"

Umiling ako, "Hindi naman."

Ngumuso siya at bahagyang sumimagot. "Who was the first boy who introduced you to their parents?"

Alam na alam ko na kung ano ang punto niya sa usapang ito.

"Ano ka ba? It's all in the past. Yung mga nangyari, di ka pa dumadating nun."

"I know... Gusto ko lang malaman kung sino..."

"Si Jake?" Patanong pa ang pagsagot ko.

"Jake?"

"Jake." Sabi ko.

"Jake lang? Anong apelyido?"

Nanliit ang mga mata ko.

"Anong gagawin mo sa apelyido niya?"

"Wala baka kilala ko?" Nanliit din ang mga mata niya.

"Hindi mo yun kilala. He's from Cebu din. Boyfriend ko siya nung highschool pa ako." Sabi ko.

"Ilan ba ang naging boyfriend mo noong highschool ka?" Mas lalong naningkit ang mga mata niya.

Kung makapagtanong ito parang nag ti-test lang.

"Dalawa?"

"College?" Tanong niya agad.

"Apat?"

"At isa after college? Yung rapist?" Tumaas ang kilay niya.

Ngumuso rin ako sa sagot niya.

"Ilang months ba ang pinaka matagal mong relasyon?" Tanong niya.

"Months talaga? Di pwedeng years?" Tumawa ako.

"So... may tumagal ng taon?" Humilig siya sakin kaya napaatras ako. "Sino?"

"T-Teka? Why are we having this conversation?"

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon