Dear Ikaw, Nagmamahal Ako

spinner.gif

Dear Ikaw,

Uhh, hi. Awkward, tae. Ang awkward talaga. Kainis naman oh.

Umm, ako to. Si... you know. Gusto ko lang sabihin na, ano... tama na. Okay lang na maglet go ka na.

Nasaktan ka ba dun? Oo, alam ko, masakit yun, pero mas masasaktan ka kasi kung patuloy kang maghihintay... aasa sa wala. Gusto ko lang sabihin sa iyo na naniniwala naman ako pag sinasabi mong mahal mo ako pero sorry, hindi ko talaga maibabalik yung pag-ibig na yun.

Iba kasi ang gusto ko eh. Sorry ha. Ayaw ko mang saktan ka pero kelangang tanggapin natin ang katotohanan. And truth hurts.

Gusto ko lang na maging mas masaya ka. Kahit na sabi mong masaya ka sa akin, mas magighing masaya ka kung dun ka sa taong mahal ka rin.

Please, hindi na kaya ng konsensya ko.

Oo, mahal din kita, bilang kaibigan nga lang. At ayokong masira ko yung friendship natin dahil lang sa 'mahal' mo ako. Hindi ako yung nararapat na tao para sa iyo.

At sa totoo lang, mahirap ang mam-basted, naaawa ako sa iyo. Sa totoo lang. Hindi mo naman deserve na masaktan ng ganito eh. Sorry na talaga.

 

 

 

Nagmamahal, 

 

Ako

Comments & Reviews (14)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

Bestfriend Ko Lang Pala.Bestfriend.(short story)Crayola (-Oneshot-)Bestfriend in Disguise [One-Shot]