MIDPIST Chapter 17: Pusillanimous *

83.4K 904 55
                                    


Wala ng adventure sila Spring. Tama na yun. Hahaha. Adventure na mas nangingibabaw ang horror. BTW, photo of Feb on the side. Hope you like this one. Enjoy reading! ~ 



Spring's POV

Having a baby? I'm not ready for that. Not yet.

__________________________________________________________

"Gaga ka, di mo man lang kami sinabihan na na baliktad pala yung sign board ... Opo, pero okay lang naman, may nangyari kasing maganda ... Ano?! Yuck. Hindi noh ... Yap, may kasama kaming kids ... Anong anak ka diyan, gusto mong bombahan ko yang resthouse mo?! ... Yup, sure ... Haha. IKR ... Sige, bye."

Binaba ko na yung phone, anyway si Juianni pala yun. In-update ko lang siya na papunta na kami sa resthouse niya together with Feb and Janus.

Inexplain ko naman kay Janus at Feb na pupunta muna kami sa isang resthouse tapos pag nakauwi na kami sa city, pupuntahan namin yung Auntie nila, ayaw kasi nilang sa stepmother nila sila uuwi. Baka san na naman daw sila iwan.

"Sabi ko na dito talaga dapat tayo dadaan, yang baluktot mong instinct kasi, napakawalang kwenta."

Tiningnan ko ng masama si Wrench. "Excuse me, sabi kasi ng instinct ko, may mga kawawang bata daw na dapat kong iligtas kaya pinili niya yung daan na yun." Depensa ko.

Di na siya sumagot kaya nilingon ko na lang si Feb at Janus. "Okay lang kayo?" I asked them.

Ngumiti sakin si Feb. "Okay lang po pero parang gusto nang matulog ni Janus eh."

Tiningnan ko si Janus, medyo pumipikit-pikit na nga yung mga mata niya na nakatingin sa labas ng sasakyan. "Janus? Lika dito." Kinuha ko siya at pinalipat sa puwesto ko kaya naka upo na siya ngayon sa lap ko. "Sige, tulog ka na." sabi ko sakaniya at sumandal naman siya sa sakin at pumikit na.

Ang cute cute niya tingnan. Tama ako, 4 years old na nga si Janus tapos si Feb 7 years old pa. Walang kwenta yung stepmother nila, iniwan lang sila dun na sila lang dalawa eh ang bata bata pa nila. Buti na lang talaga napadpad kami dun.

Napatingin ako kay Wrench na nakatingin lang kay Janus. Nagkangitian lang kaming dalawa pagkatapos.

11:39 a.m.

After almost 45 minutes na byahe, nakarating na kami sa resthouse ni Juianni. Natutulog pa si Janus kaya di ko na siya ginising at kinarga ko na lang siya palabas ng sasakyan.

"Wrench, nakatulog din si Feb sa likod." sabi ko.

"Kakargahin ko na lang rin siya." sabi niya at pumasok na sa backseat.

"Awwwe. What a very cute family."

Napatingin ako kay Blink na kakalabas lang ng door, kasunod ang boyfriend niya. "Gusto mo balatan kita ng buhay?" sabi ko at bineso-beso siya.

"Try mo at ipapa salvage kita." sabi niya agad.

"Hi Spring." si Marvin Cortes, boyfriend ni Blink.

"Hey Marv!" Bati ko sakaniya at nag beso-beso din kami.

"Hey Wrench! Nice to see you." Bati ni Blink kay Wrench at nagbeso-beso sila. Humarap siya kay Marv, "Babe, si Wrench nga pala, schoolmate namin siya dati sa Harrington."

Nag bro hug greeting naman silang dalawa.

"Sila ba yung nakita niyo? Awwwe. Ang cute nila." sabi ni Blink, tinutukoy niya yung kids.

Midnight RapistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon