Previous Page of 2Next Page

i heart kuya .ƒĢ. (Hiatus)

spinner.gif

PLEASE READ FIRST BEFORE YOU VOTE

Update xxv

“Ikaw lola yung nagpalit nung itlog??”

Halos atakihin si lola sa pagsalita ni Lenard sa bukana ng hagdan.

O___________O

“LOLA IKAW BA ANG NAGPALIT NG MGA ITLOG?!?!” sigaw ni Lenard na may hawak-hawak pang basahan.

“H-hindi!” pagsisinungaling ni Lola

“Lola naman!!” nakakunot na noong sabi na naman nito.

Papalapit na si Lenard kay lola.

“HOY LENARD!!! Anong gagawin mo kay lola!!”

Pero di sumagot si Lenard, papalapit na talaga ito kay lola.

“Aba apo! H-hindi nga sabi ako eh!!” tumayo na si lola Roxy mula sa bukana ng hagdan. “Hwag kang magulo! Pag nalaglag ang lola mo, patay ka kay Sonny!”

“Lola aminin mo na! Ikaw ang nagpalit ng mga itlog??”

“Teka!!!” nakahawak si lola Roxy sa railings ng hagdanan. “Teka hwag kang ganyan apo! Bababa ako! Baka mahulog ako!!” sabi ni lola na minamadali ang pagbabasa hagdan na parang naglalaro sila ng taya-tayaan ni Lenard.

“Eh sino?? Baka ikaw?!!” parang monster na nanlilisik ang mata ni Lenard.

“Waaaaaah!! Bakit akoooo???” humabol si Miala kay lola Roxy at tumakbo sila pababa.

“Bakit niyo pinalitan?? Gagamitin yun sa project eh!” parang adik si Lenard habang hinahabol ang dalawa.

“Teka!! Teka!! Apo!!” natatawa-tawa pa rin si lola Roxy kaya mas lalong umiinit ang ulo ni Lenard. Nakarating na sila sa baba kaya nakahinga na ng maluwag si lola.

“Sige tawa pa kayo!”

“Lenard wag kang ganyan AY!!!”

Sa paglalakad ni Miala ng patalikod may nabangga siya.

O__O

Si Gracy.

“Ay Sorry! Haha. Sorry!” hindi niya mapigilan ang mapatawa ng makita ang mukha nito na parang nag white egg facial mask.

Pero sumeryoso ulit siya nang mapansing seryoso ang mga ito.

>__________<

“Sino ang nagpalit ng mga itlog??” seryosong tanong ulit ni Lenard.

Walang sumasagot…

“Sino ang kumuha ng mga itlog ni Gracy?” tanong ulit ni Lenard?

O____O

“Pfffffttt!!!” pero si lola naman ang di nakapigil magtawa.

Kinuha ni Miala ang tingin ni lola Roxy para tumigil ito sa pagtawa.

Lola!! Lola quieeet!!! Tumingin ka sakeeeen!!

“Lola ikaw ang kumuha nun???!!” nagsalita na si Gracy na parang maiiyak.

“Hindi nga!! Malay ko doon hija!!” hanggang ngayon nagkakaila pa rin si lola.

“Eh bakit may nahulog na itlog galing sa kinauupuan niyo sa taas?...” tanong na naman ni Lenard.

“…MALAY KO SA ITLOG NI GRACY?!!! HIHIHI”

“Ako! Ako ang nagpalit!!” sigaw ni Miala pero gusto niya ring bawiin kaagad. Feeling kasi niya hindi aamin si lola Roxy kahit anong mangyari at magiging paikot-ikot lang ang pag-uusap nila.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (369)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended