Chapter 25 - A much due apology (August 16, 2018)

156K 2.5K 523
                                    

Sobrang laki ng party ni Laarni. Makikita mo talaga ang effort na magplease ng tao ng babaeng ito. Akala mo isang western mixer pero nasa bahay. Nagkalat red cups sa buong-bahay. At kung sinabi nitong reunion nila ito, siyempre naloko na naman sila ni Laarni. She even invited some friends from all of her cliques. May mga foreigner pa nga na nagakalat sa buong bahay.

"I shouldn't have trusted Laarni. Akala ko maliit na party lang. Pero tignan mo! Daming afam. May mga chekwa pa doon! Social butterfly pala 'tong lola mo." Apologetic talaga si Jane. May mga kaibigan sila sa paligid, pero mas madami pa ang hindi nila kilala. Pasabog talaga itong party na ito na parang mapapanood mo lang sa mga western teen flick.

"Okay lang." Miala assures Jane. At least sobrang dami natin dito."

They both know that Miala needs a distraction. Kaya nasip nila na kahit ngayon, bago lang magpasukan, maagfeeling teenager sila sa pagpaparty.

"Hi guys!" Bati ni Jane nang marating nila ang parte ng bahay kung saan nakakita na sila ng maraming familiar faces. Mga kaklase nila dati o friends of friends. Mga nakakasama din nila simula dati pa. Naglalaro ang mga ito ng pinoy henyo.

Napatingin din ang lahat sa kanila at nagbatian.

"Naloko din kayo ni Laarni 'no?" Humahagikgik na sabi ng isa dito. "Siraulo talaga 'yang babaeng 'yan. Sinasabi reunion pero sobrang dami nating 'di kilala dito."

"Oo nga eh." Naupo na lang si Miala at Jane sa tabi ng mga ito sa harap ng fireplace na hindi nila alam kung ginagamit ba.

"Oy congrats Jane ha! 'Di mo man lang kami inimbita sa kasal niyo ni Tom." Biro naman ng isa.

"Misis ka na!"

"Pasensya na kayo ah. Gipit sa budget kaya konti lang guestlist."

"Ayos lang. Ayos lang." Alam naman talaga at naiintindihan ng lahat ito. "Sumali na kayo sa pinoy henyo."

"Eto. Eto si Miala." Halos ipagtulakan ni Jane si Miala.

"Eh. Hindi ako magaling diyan sa hula-hula na 'yan."

"Eh 'di hindi ikaw manghuhula. Ikaw lang magsasabi kung oo, o hindi. Ano game ka na?"

Wala nang nagawa si Miala nang pinaupo siya sa isa sa dalawang upuan sa harap.

"Sino manghuhula?" Tanong ni Jane.

"Ikaw na kaya!" Gusto ring idamay ni Miala si Jane.

"Hindi si Laarni na kaya. Nasaan na ba 'yung balasubas na babaeng 'yun. Pahirapan natin siya?"

"I'm here!" Sobrang lakas ng boses ni Laarni na napatingin silang lahat. Sobrang pasabog din naman talaga ng ng damitan ng babaeng ito. Halos lumuwa na ang kaluluwa nito sa suot na low-cut maxi dress na hotpink. May fedora hat pa ito na may bulaklak na akala mo bakasyonista sa isang beach kahit nasa bahay lang naman. Parang gusto nilang lahat sabihin na oo na oo na, ikaw na may ari ng malaking bahay na ito.

Pero ang mas ikinagulat nila ay hindi ang damit nito, kundi ang kasama nito. Nakapulupot ang kamay nito sa isang bagong dating na lalaki.

"Anak ng putsa..." 'Yun na lang ang nasabi ni Jane.

Halos hindi rin makatingin si Miala. Awkward din ang lahat. Parang si Laarni lang ang nageenjoy sa mga pangyayari. Itinulak pa nito si Lenard sa upuan sa harap ni Miala.

"Si Lenny huhula!"

"No... Huwag na." Tanggi ni Lenard.

Para namang naramdaman ng lahat ang mababang energy nila. Kahit ang mga afam, nagtinginan sa kanila.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon