Ang Simula... (First Chapter)

26.7K 274 85
                                    

Chapter 1

Clarice POV

Nakakatamad naman. As usual wala na naman akong magawa, kundi magbantay dito sa pwesto namin. Pero wala akong choice dahil gusto ko din naman talagang tulungan si Mami at Dadi.

Ako na talaga ang isang mabuti anak.

Hay salamat natapos din ang araw ko. Ngayon ay nakahiga na ko, tapos ng magshower. (Xempre para mabango ako) Dahil wala akong magawa ay naghanap ako ng mababasa sa wattpad.

Searching for girlxgirl stories…

Yeap girlxgirl. Tama kayo ng nababasa, at uunahan ko na kayo. BISEXUAL ako… Ibig sabihin kahit ano pwede ako, lalaki o babae man yan, basta tumibok yung puso ko, at nakaramdam ako ng butterflies sa tyan ko, yun na yun.

Title: ****************************

Dami na ding reads neto ah.

Typical lang yung simula ng story niya, pero hindi ko alam bakit natuwa ako.

Sinimulan kong basahin yung story. Medyo naninibago ako, kasi the way sinulat nung author yung story, third person ang gamit. (unlike ng story na to, first person.)

Tok tok tok… “Anak bumangon ka na tanghali na.”

 

Kahit antok na antok ako, bumangon na ko. Syempre kelangan kong magtrabaho. Araw-araw naman ganito.

Natapos akong maligo. Hinanap ko yung fone ko para tignan ang oras (dahil wala akong orasan dito sa kwarto). Battery  empty.

“Nice, nakatulugan ko na naman tong fone ko kakabasa ng story sa wattpad.” Tama kayo, kinausap ko ang sarili ko. Normal naman yung paminsan minsan ah!

Pagpasok ko ng office, inuna ko munang icharge yung fone ko, bago ang trabaho (Syempre priority.haha)

Natapos ko na lahat ng dapat kong gawin. At eto ako ngayon, chineck yung fone ko.

Facebook, Messages, Instagram… Yan ang routine ko sa fone, mas inuuna ko pa ang Facebook kesa mga text messages.

Nung natapos ko ng icheck ang mga yun, Wattpad… Tinignan ko kung saan ko nakatulugan yung story. Nakakatuwa lang magsulat yung author, ngayon lang ako nakabasa ng story sa wattpad na SUPER DETAILED yung mga nangyayari. Ang galing nya.

Hindi pa tapos ang araw, tapos ko ng basahin yung story na hindi pa pala tapos. -____-

Kainis ngayon ko lang nakita na ON-HOLD pala yung story. Sa totoo lang as much as possible, ayokong nagbabasa ng story na hindi pa tapos, kasi, ayoko ng nabibitin. Tapos ngaun on-hold pa, may balak pa kayang ituloy nung author yung story niya. Mukang ang tagal na kasi mula nung huling nagupdate siya. (Oo apektado ako dahil, natuwa ako sa story niya at nagustuhan ko na din tapos ganun?) Yung parang, na-inlove ka sa isang tao, natuwa at naging masaya ka, tapos bigla na lang mawawala ng parang bula.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon