Chapter 4 ♥

28 1 0
                                    

Maingay na naglalakad pauwi ang mgakasama ni Jina samantalang pareho naman silang tahimik ni Levin. Nagtatawanan rin ang mga kaibigan nila. Labis ang pasasalamat niya at hindi iyon binanggit ng mga kaibigan niya sa kanya. Parang gusto niyang lumubog sa kinauupuan nang madatnan sila ni Levin na magkayakap. And speaking of that man, pakiramdam niya ay mainit na mainit na ang kanyang likod.

Levin was behind her. AT nararamdaman rin niya ang pagtitig nito sa kanya. Hindi niya alam ang pinag-usapan nito at Lizzie dahil kaagad siyang umalis nang makita sila ng huli. Napapikit siya.

Napadilat siya bigla nang maalala ang sinabi ni Levin bago siya nito niyakap. Sana, hindi ma-trauma ang puso mo sa akin, Jina. Binilisan rin niya nag paglalakad at sumabay kina Gwen na nasa unahan.

Those were also the words she said to Levin's picture. Bakit parang alam nito iyon? Bakit nag-sorry ito sa kanya? Bakit ganoon na lang kung makatitig ito? At bakit siya nito niyakap? May ibig ba itong ipahiwatig sa mga ipinapakita nito? And to the point na gagantihan sana niya ito ng yakap kanina.

Kahit sandali lang iyon ay naramdaman niyang tila sinsero naman ito. Pero--

"Hoy, Jina!" Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Si Chelsie pala iyon. Huminto ang mga ito at nagtatakang nakatingin lang sa kanya. Pagkuway humagalpak ng tawa.

"Bakit?" kahit nagtataka ay natawa na rin siya. Itinuro ni Anton ang bus terminal.

"Lumagpas ka na," nakatawang sagot ng mga ito. Nakangiting umiling na lang siya. Lumalim na pala ang iniisip niya.

"Hindi ah. Tiningnan ko lang kung bukas pa iyong kasunod na bakeshop. Bibili sana ako eh,"palusot niya. Kinantiyawan naman siya ng mga ito. 

"Oo na, oo na. Lumagpas nga ako. Sige guys, mauuna na ako sa inyo."

"Nauna ka na nga eh," sabad ni Cris. Natatawang itinaas niya ang kamay habang patawid sa kabilang kalsada patungo sa terminal ng bus. Nang makarating doon ay nahahapong naupo siya. This was quite a day. She sighed.

Nagulat pa siya ng may tumabi sa kanya. ANd when she looked at who could it be, she was greeted by Levin's serious face. NAroroon na naman ang kabang bumubundol sa dibdib niya.

"L-Levin.."

"Hihintayin na kitang makasakay ng bus bago ako umuwi. Diyan lang naman iyong bahay namin." Parang walang-anuman turan nito. Nilingon niya ang mga kaklase nila. Wala na ang mga ito, siguro ay nakauwi na.  sinulyapan niya si Levin. Kampanta pa rin itong nakaupo sa tabi niya habang iginagala ang paningin.

Gusto niya sanang tanungin ito sa mga nagyari kani-kani lang. Pero naunahan siya ng hiya. She might be showy to her feelings for him pero hindi rin ganoon kakapal ang apog niya. Kilala niya rin ang salitang hiya. And so they stayed that way. Walang nagsasalita at tila nagpapakiramdaman lang. Unti-unting humupa ang ilang na nadarama niya. This was Levin, anyway. The man she had learned to love.

Lumipas ang labinlimang minuto pero wala pa rin ang bus. She didnt feel bothered. NAndoon naman si Levin. Lihim siyang napangiti pero kaagad lumukob ang pagtutol nang bigla itong tumayo at tinalikuran siya. Bagsak ang mga balikta na kumuha siya ng librong pagkakaabalahang basahin. Nainip na siguro ito.

Pinilit niya ang sarili na mag-concentrate sa pagbabasa, pero wala pa rin siyang maintindihan. Nagulat siya ng mapalitan ng biscuit ang mga letra ng aklat na kanyang binabasa. Itinaas niya ang paningin at nakita ulit si Levin. Hindi na niya napigil ang pagngiti.Umupo ulit ito sa tabi niya bago binuksan ang biscuits at iabot iyon sa kanya.

"Salamat." Masayang nilantakan niya ang ibinigay nito.

"May bayad iyan," sagot nito. Ngumiti lang siya. WAla siyang pakialam kung asarin siya nito ngayon. Wala rin siyang pakialam sa mga nangyari sa kanil nitong mga nakaraang araw o kahit ang kanina. Ang mahalaga sa kanya ay ang ngayon. Wala rin siyang pakialam kahit ilang oras pa siyang paghintayin ng lintik na bus na iyon. Basta't kasama niya lang si Levin, kontento na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If you stay ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon