Answering God's Call

Dedicated to
FooBar
spinner.gif

 

I dedicate this kay FooBar na bigla nalang lumitaw mula sa kung saan. 

 

One Word lang yun--- pero, Thank you. 

 

*Nga pala, natuklasan ko na everybody's fan ka pala. Haha. Nice. :)

 

 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Estudyante din naman ako. Naranasan ko na yung feeling na parang lagi nalang akong kinukulang sa oras. Dumating nga sa point na lagi ko nalang napapaghindian yung mga commitments ko kay Lord dahil doon. Sa sobrang pagka-stress ko, at dahil alam kong wala akong magagawa about dun, pumunta ako sa center ng Christian Organization namin, ang Chi Alpha. At eto nga. Sumakto yung topic namin sa nararanasan ko. Siguro kasi, alam ni Lord na kailangang kailangan ko itong message na ito.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Three Keys to Reduce Your Stress:

 

1. Line up your priorities. First things first. 

 

Dito talaga ako kinukulang. Kailangan daw pala, alamin mo yung mga kailangan mong unahin. Yung mga malapit na yung deadline, ganun. Minsan kasi, kung anu-ano inuumpisahan natin tapos pag na-realize nating may mas importante pa pala, iiwan natin yun, mate-tengga, tapos bagong umpisa ulit. Saka mahalaga talagang pag-isipan ito dahil baka naman yung ginagawa mo, eh, next month pa pala kailangan. 

 

Proverbs 17:24

"Wisdom is before him that hath understanding; but the eyes of a fool are in the ends of the earth."

An intelligent person aims at wise actions, but a fool starts off in many directions.

 

Basta pag nararamdaman mong parang ang dami na masyado ng mga gagawin mo---select, for you do not have time for everything.

 

Proverbs 12:11

It is stupid to waste time on useless projects.

 

Wag nang mag-procrastinate. Alam niyo yan. Kapag patuloy kasi tayo diyan, lagi tayong magbi-bisibisihan. Tapos at the end of the day, mare-realize nalang natin na wala naman pala tayong nagawa.

 

We must learn the difference between urgent and important, activity and accomplishment.

 

Proverbs 16:9

We should make plans, counting on God to direct us.

 

Ako pa naman yung klase ng tao na pinaplano kung aong oras mag-aaral, kakain, maliligo, and so on and so forth. Yun nga lang, di ko talaga nasusunod. Hahhaa. Ang secret pala, let us count on God to direct us. :)

 

2. Lighten up your attitude.

 

Proverbs 12:25

Anxiety in a man'a heart weighs it down. 

 

Isa sa mga walang kwentang feelings ng tao ay pag-aalala. Para kang nagte-treadmill. Takbo ka nga ng takbo, napapagod ka, pero wala kang nararating.

 

Proverbs 14:30

A relaxed attitude lengthens a man's life.

 

Pansinin niyo. Kung sino pa yung laging nag-aalala, yun pa yung maagang mamatay. Kadalasan, dahil sa sakit sa puso.

 

 

Kung dumating man yung oras na pakiramdam niyo, parang ang konti lang ng nagagawa niyo, isipin niyo na lang na "Things don't always go as we planned." 

 

Kailangan din nating i-practice ang relaxed concern. Let us take Jesus as a perfect example. Nang dumating siya sa mundo, hindi naman niya napakain yung lahat ng nagugutom, hindi naman lahat ng maysakit, napagaling niya. Pero nung namatay siya sa cross,  sinabi niya. "It is finished." Bakit nga ba? Kasi, nag-prioritize siya. Saka kahit saan sa Bible, hindi siya kailanman nag-alala. 

 

Sabi nga, yung taong laging nagwo-worry, walang faith. Stress means you're not giving enough time to God.

 

Proverbs 17:22

Being cheerful keeps you healthy. It is a slow death to be gloomy all the time.

 

*Learn to laugh. Humor is a good stress reliever.

 

 

 

3. Look up to God.

 

Proverbs 10:27

Reverence to God adds hours to each day.

 

Proverbs 3:5-6

Trust in the Lord completely... in everything you do, put God first, and He will direct you and drown your efforts with success.

 

Totoo talaga ito. Kasi nung time na malapit na yung final exams namin, madalas talaga akong maka-absent sa gawain. You know, magre-review kuno. Pero kahit anong gawin ko, ang baba pa rin ng grades ko. Nung sumunod na departmentals namin, wala na akong gaanong pakialam sa review. Hindi ko naman totally kinalimutan ang review. Magre-review lang ako pag may natirang oras after school and church. Thank God, ang taas na ng grades ko nun. Hahaha.

 

Tandaan niyong hindi church ang sagabal sa pag-aaral. Ang pag-aaral kamo ang nagiging sagabal para di tayo makapunta sa bahay Niya.

 

 

Look to....

*the world, you'll be distressed.

*the yourself, you'll be depressed.

*God, you'll be at rest.

 

 

 

GIVE THE BEST YOU HAVE TO THE HIGHEST YOU KNOW AND DO IT NOW.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Comments & Reviews (9)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended