NG vs. NANG

13.1K 188 93
  • Dedicated kay writers out theeere
                                    

REPOSTED

At dahil may nag-request, I’ll try to explain the difference between NG at NANG. Saka totoo rin naman na maraming nagko-commit ng error dito. Kahit ako nagkakamali pa rin ako ng gamit kahit alam ko na kung paano ba'to dapat gamitin. 

By letters na lang.

 Sa NG muna tayo. Sa dalawang pagkakataon lang nagagamit ang NG….here...

A.    Ang NG ay ginagamit kapag adjective ang kasunod na word.

Hal. Pakitaan mo ako NG magandang sayaw. -- 'yung NG dito ang ginamit para masagot kung ano bang klase ng sayaw ang gustong makita ng speaker.

B.     Ginagamit din ang NG kapag noun/pangngalan ang kasunod na word nito.

                                Halimbawa: Galing ako NG Hawaii.

                                                Gusto ko NG grapes.

Dumako naman tayo sa NANG. Unlike NG, mas maraming pagkakataon nagagamit ang NANG.

A.    NANG ang ginagamit na pamalit sa word na “noong” since synonymous words sila.

Hal: NANG mamatay ang aking kuko, bumaha ng luha sa aking kuwarto.

B.     Kung inuulit ang isang salita. Specifically “Verb.”

Hal. Kain NANG kain si Noname.

C.     Ginagamit ang NANG para i-join force ang words na “na + ang"; "na+na" ; at ---di ko na maalala.

Halimbawas:

-Trinie! Itigil mo NANG pagiging echusera mo! *from the sentence “Trinie! Itigil mo ‘na ang’ pagiging echusera mo!*

- Ayoko NANG masaktan pa ang puso kong lagi na lang lumuluha dahil sa’yo. >chus< *From the sentence “Ayoko na na masaktan pa ang puso kong lagi na lang lumuluha dahil sa’yo."

     

D.    Synonym ito ng words na UPANG o PARA

Hal. Sagutin mo na si Pulgoso NANG magka-syota naman siya. *From the sentence “Sagutin mo na si Pulgoso ‘upang’/'para' magka-syota naman siya.

E.     To show way of doing a thing. Simply put, it answers the question "HOW" of an action done.

Hal. Tumango si Charm NANG bahagya.

F.      To show measurement.

May katiting NANG pag-asa si Sic sa panliligaw niya kay Aly.

NG vs. NANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon