Chapter 34

191K 2.2K 224
                                    

Chapter Thirty-Four


William's POV


And when you hear this song
I hope that you will see
That time won't heal a broken-hearted me

The music keeps on playing. The more it sinks to me is the more pain I feel. I have to do this. This is for both of us.

Umiiyak lang ito sa bisig ko...gaya ko na patagong umiiyak rin habang yakap siya. Sabi nila if mahal mo ang tao ipaglaban mo pero sa mga panahon gaya nito, hindi ko kaya. Hindi ko magawa dahil someone's waiting for me.

Labag man sa loob ko but I know she will be happier with Lance. Ayaw ko namang hadlangan pa 'yun. Being with Elle for almost 5years is more than enough for me. It's not easy to let her go, sobrang minahal ko siya kaya I spent my days wala sa bahay to adjust, to know the feeling of being away. Masakit at may time na umiiyak ako kasi iinisip ko bakit ko ba sinasaktan ang sarili ko. Pero kailangan kong gawin lalo na last week I also heard a news from my mom.

Leslie is back, my ex-girlfriend before Elle. She's a Filipina too, I really have a thing with Filipina girls.

And she's not only back alone, sabi ni Mommy na meron raw kasama si Leslie, our baby. A baby girl, not-so-baby since she's older than Sammy pero isang taon lang naman. I know this is sounds like Elle-Lance condition pero sa akin si Leslie ang nang-iwan dahil I did something wrong with her. May mga nasabi akong hindi maganda sa kanya na hindi ko sinasadya and everything became a toxic, naging masyado na siyang possessive, clingy and everything at nasakal ako. I threw sharp words to her that I didn't mean to kaya iniwan niya ako. When the time I realized na sobrang nasaktan ko siya at gusto kong humingi ng tawad ay hindi ko na siya nakita. Maybe this is my karma for hurting her. I tried to find her pero walang trace na kahit ano sa kanya.

And now I have to do the right thing, hindi ko naman 'to ginawa para takasan at hindi sabihin kay Elle ang totoo. I will tell her the truth pero hindi ngayon, sapat na ang ginawa ko sa kanya today. Ayaw ko na dagdagan pa.

Masakit man ay alam ko mas mamahalin siya ni Lance. Parehas lang kami ng situation, kailangan siya ni Sammy at kailangan ako ni Leisere, my child. Sapat na ang naranasan ni Elle for almost 5 years, deserve niya naman maging masaya, yung totoong masaya at alam ko na kay Lance niya lang 'yun mararamdaman. Naramdaman ko namang minahal niya ako but there will always a boundary, nakikita ko na hindi pa rin handa si Elle more than our girlfriend-boyfriend relationship.

I'm still thankful for having her dahil pinasaya niya rin ako, nila ni Sammy. Pinaramdam ni Sammy sa akin na maging isang ama kahit hindi niya ako totoong ama. Sobrang malambing si Sammy hindi siya 'yung batang aloof dahil hindi niya naman ako totoong tatay but Sammy showed me how unconditional love is, wala itong pinipili. May times rin na he's sneaking into my room para lang matulog katabi ko instead sa Mommy niya dahil aasarin lang raw siya ni Elle. Kaya minsan maaga rin ako nagigising para ilipat siya sa kwarto niya and that's our top secret.

I will miss Sammy at alam ko masasaktan ko si Sammy sa decision ko.

But this is an opportunity for them to be with Lance. The time they spending with me is the same time na dapat kay Lance nila binibigay. Ngayong nalalagay ko ang sarili ko sa situation ni Lance ay talagang nanghihinayang ako. I never had a chance to be with my child when she's still a baby and a toddler. Sobrang daming chances na nasayang dahil rin sa kagaguhan ko at ayaw ko na madagdagan pa 'yun.

Kahit gusto ko man na sabihin kay Lance ang totoo pero ayaw ko naming pangunahan si Elle sa decision niya for Sammy. Anak nila 'yun mas hawak niya ang karapatan gaya ng karapatan ni Leslie sa baby namin. Nasaktan sila kaya may mga nagagawa silang bagay na tingin nila ay hindi na sila pa masasaktan lalo like Elle hide Sammy dahil sa tingin niya mas masasaktan siya sa magiging reaction ni Lance once nalaman nito.

One day I'll tell Elle about Leisere.First, I need a perfect timing.

Nakauwi na kami, hindi ito umiimik sa akin sa buong byahe even after ng yakap naming sa restaurant. . Bumaba na rin ito nang hindi ito naghihintay na pagbuksan ko siya ng pinto.

Agad ko naman itong hinabol nung papasok na ito ng gate.

"Elle..." agad naman nitong tinggal ang pagkakahawak ko.

"Wag mo ko hawakan." Galit na.

"Wag naman ganito oh." Malumanay na pakiusap ko rito. Wag mo naman ako pahirap, Elle. Mas nahihirapan akong bitiwan ka.

"Anong gusto mo? Matuwa ako? Tumawa ako? Ganun ba, Will?" umiiyak na naman na singhal nito sa akin.

Oh please, hon. Don't cry.

"Hindi naman sa ganun, but this is the best decision I can do for you."

"Anong best ang pinagsasabi mo Will?"

"I know you're mad because I didn't consult you first about this but this is for both of us. Mas magiging masaya ka sa ginawa ko..." huminto muna ako "...dahil natatakot ako, Elle. Natatakot ako na kahit ipaglaban kita sa huli ay talo pa rin ako." Unti-unti na naming gumuguho 'yung emosyon kong dapat matapang lang, dapat hindi ko ipapakita na mahina ako.

"Kasi nakikita ko na Elle na kahit anong gawin ko sa huli talo ako. Tatay siya ni Sammy at sa dumaang mga araw naapektuhan ka pa rin niya. Nasasaktan man ako pero hindi ko naman pwede na pigilan 'yung kasiyahan na pwede mong maramdaman sa kanya. If I have to let you go, I'll do it."

Hindi ko ginagawa 'to para takasan ang tinatago ko kay Elle, but this is me doing the right thing and telling what I feel for the past day and telling my side sa mga pwedeng mangyari.

"Nasaktan ka Elle kaya natatakot ka sa chances na pwede mong ibigay kay Lance. Pero hahayaan mo nalang ba 'yung kasiyahan na 'yun dahil lang sa natatakot ka?"

"Hindi naman dapat araw-araw tayong matatakot, Elle. Hindi tayo magiging masaya sa mga decision na kahit hindi natin gusto ay okay lang as long hindi tayo masaktan."

"Mali 'yun, Elle. Sometimes we have to take risk for us to be totally happy. Sometimes kailangan nating tumaya." Sabi ko sa kanya na ikinatahimik nito. Umiiyak lang ito habang nakatingin sa akin.

"Hindi naman porket ni-let go kita ay hindi na kita mahal, mahal na mahal kita Elle kaya kailangan kong gawin 'to. Hindi rin kasi sapat na mahal natin ang isa't isa para magstay tayo."  Mahal na mahal kita Elle.

"Mahal na mahal kita and I want you to find the real reason kung bakit ka sasaya, hindi nga lang ako 'yun." Ngiti ko sa kanya. Nanatili lang itong nakikinig.

"Can...Can I request? Can you tell me that you love me for one last time?" pakiusap ko rito at muli na naman itong umiyak habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.

Hinawakan ko naman ang kamay nito at inalayo sa mukha niya.

"Please..." ngiti ko sa kanya.

Humikbi naman ito at sinisinok pang nagsalita.

"I-I love you Will. I will always love you...I will always be here for you gaya ng mga ginawa mo sa akin. Thank you for being with me all the time, for loving me and taking care of us ni Sammy." Sabi nito saka hinawakan ang mukha ko.

Hindi ko naman napigilang hawakan rin ang mukha nito at dahan dahan itong halikan.

For one last time, I kissed her.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon