[77] Emergency

388K 9.6K 3.5K
                                    

[77] EMERGENCY

***THE NEXT DAY***

GAIL'S POV

Nagising ako nang maramdaman ko na naman ang pananakit ng tiyan ko. Kagabi ko pa ito nararamdaman pero nawawala rin naman agad. Medyo napuyat nga ako sa sakit kaya hindi na ako magtataka kung bakit 10AM na ako nagising. Si Kurt naman, nasa baba yata. Tingin ko ay nagluluto siya dahil naaamoy ko mula dito ang garlic scent.

"Aaahh..." Napapikit ako habang hinahaplos-haplos ang tiyan ko. Huminga ako ng malalim at umayos ng higa.

"Crystal, masakit na naman ba?"

Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Kurt. Nakita kong nilapag niya ang tray ng pagkain sa bedside table saka siya umupo sa kaliwa ko.

"Ano bang pakiramdam? Sumisipa ba?"

I swallowed and then let myself endure the pain anyway. "N-no, it's different."

"Kumain ka kaya muna."

Inalalayan niya akong umupo. "Kurt, mag-CCR lang muna ako."

"Sige," inalalayan niya ako papunta sa bathroom. Pagkapasok ko ay agad kong sinara ang pinto nito at buong ingat na umupo sa toilet bowl. I took few deep breaths as I pee. Dahan-dahan din akong tumayo at ifaflush na sana ang toilet bowl nang matigilan ako.

May dugo.

"KUUUUUURT!!!" Sigaw ko habang dahan-dahang lumalabas ng bathroom. Nang hindi ko siya makita sa loob ng kwarto ko ay lumabas ako at dumiretso pababa sa living room kahit na patuloy pa rin sa paghilab ang tiyan ko.

"Kuuurt!" Halos mamilipit na ako sa sakit. Huminto ako sa ibaba ng hagdan at humawak sa hawakan. Nakita ko si Kurt na nagbibihis ng shirt sa kitchen. He seemed to be in a hurry. Nagtaka ako nang nagmamadali siyang lumapit sa akin para halikan ako sa noo.

"Crystal, I need to go out."

"Ha? P-Pero-----"

He turned back on me and headed quickly to the door. Hawak-hawak pa niya ang cellphone niya na para bang natataranta siya. "Kailangan ako ni Mariz."

"K-Kurt, kailangan din kita."

"I'll be back."

He stormed out of the unit without looking back at me. Kahit na sobrang masakit na ang tiyan ko ay pinilit ko pa rin siyang sinundan sa labas. Nakita ko siyang nasa harapan ng elevator, pumipindot sa down arrow.

"Kurt! Ako muna, please!" Sabi ko habang nakahawak ako sa doorknob ng pinto ng unit para sa alalay.

"Crystal, kailangan ako ni Mariz ngayon! Sh*t! Wag ka munang perwisyo, okay? Babalikan kita! Pumasok ka na!"

Nakita kong bumukas na ang elevator at agad-agad naman siyang pumasok dun. Habang unti-unting sumasara ang pinto nito ay unti-unti namang pumapatak ang luha ko sa sakit na nararamdaman ko. Ngayon ko lang ito naramdaman. Ugh!

"Aaaaaaaaahhhh!!"

Hindi ko na kinaya ang paghilab nito. Napaupo na ako sa sahig habang haplos-haplos ang tiyan ko. Wala man lang tao ang dumadaan ngayon. Kailangan ko ng tulong. Hindi ko na kaya.

"Aaaaaah!! T-t-tulong! Ahh!"

Napapikit nalang ako nang maramdaman kong may umaagos na mula sa hita ko. Hindi na ako makahinga ng maayos sa sakit na nararamdaman ko. Para akong sasabog sa sobrang sakit. Para akong binibiyak!

"AAAAH!!!"

I heard a loud opening sound of a door. Hindi ko na kayang magmulat ng mga mata ko kaya pinilit ko nalang na makiusap sa kung sinuman yun.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon