Stalk Her [ONE SHOT]

123K 1.5K 321
                                    

Hindi ko akalain na may magtatapat pala ng pag-ibig sa akin dito sa Library.

Uhm, well, that is, if maico-consider nga na love declaration yung ‘I don’t hate you’.

“I don’t hate you,” pag-uulit niya, “and you don’t hate me too. See? The feeling is mutual.”

Ha ha. Logic. Hirap na hirap akong utusan lahat ng cells sa katawan ko na pigilan matawa, baka kasi ma-offend ‘tong si Oliver. Uhm, well, ayos naman siya – hindi bopols, and he’s cute.  Pero, errr.

Inikot-ikot ko yung mga mata ko dito sa Library, fuuudge. Kailangan kong mag-ingat. Kapag hindi katanggap-tanggap yung mga words na gagamitin ko sa pag turn-down kay Oliver eh baka mag-escandalo siya dito, “Uhm…”

Nagkatinginan kami at mukhang napansin niya yung hesitation sa mga mata ko.

“Sinasabi ko na nga ba eh!” Uh-oh, nasa bingit na siya ng paghi-hysterical, “Kaya nga ba nakaramdam ako ng lukso ng dugo nung binasa ko yung libro ni Ramon Bautista na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo eh! Fuck, I hate my life!!” Uh-oh.

“Dude, calm down… alam mo kung bakit ‘di ka crush ng crush mo?” Hindi ko na kinailangan lumingon para ma-identify kung sino yung nagmamay-ari ng boses na naririnig ko ngayon, at inakbayan pa niya ako, “Kasi, ako yung crush niya.”

Si Jace, mukha siyang bagong gising. Oh, my god. A boy’s sleepy voice is seriously the sexiest thing ever. Errr, okay.

Ibig kong sabihin, habang tinititigan ni Jace si Oliver with an arrogant look on his face, nginitian niya ito.

“Pare, ganyan talaga yung buhay, unfair. Get over it.” Tinapik niya si Oliver sa balikat at saka niya ako medyo kinaladkad papunta sa Library Conference Room.

“Hoy Jace bastos, wag kang basta-basta sumasali sa usapan, hindi ka naman welcome!” Binitawan niya ako kapasok namin ng Conference room, “Nakita mo ba kung paano ka tinitignan ni Oliver kanina? He hates you!”  

Well, actually, hate naman ni Oliver ang buong mundo at lahat ng tao. Pero, bastos pa din na hindi ko man lang siya kinausap ng mabuti, eksena talaga yung Jace na ‘to. Ever.

“Aly, ganyan ba pasalamatan ng mabuti ng damsel in distress yung knight in shining armor niya? Tsk, I was even half-expecting a kiss.” Okaaaay, nagbibiro siya, obviously, pero naramdaman ko yung pag-akyat ng dugo sa cheeks ko. Fudge! Buti na lang wala sa akin yung attention niya.    

Umupo, tinaas yung mga paa sa conference table at saka binuksan ni Jace yung MacBook Pro niya, “Akalain mo, meron palang may type sa katulad mo? Binayaran mo siya para gawin niya yun no? Aminin mo na.”

“Katulad ko?” Naulit ko ng malakas yung sinabi niya unintentionally. Ouch.

Aware naman ako na hindi ko ka-level yung perfectly tousled hair and piercing dark, chinito eyes ni Jace eh, thanks for the reminder ah. Kaya siguro itim yung mga mata nitong si Jace, kasing itim ng budhi niya.

“Katulad mo,” umakyat sa isang side yung lips niya, “You know: short, flat-chested, mainitin yung ulo.”

Busy siyang nagbabasa sa laptop niya kaya kukunin ko ng opportunity ‘to para maka-ninja moves ako. Sa tagal na naming magkakilala, hindi pa rin ako nagsasawa sa features ng mukha niya, lalo na yung perfect shape ng lips niya kapag tumatawa siya.

Mag-amiga kasi yung mommies namin kaya bata pa lang kami eh nagpupunta na kami sa bahay ng isa’t-isa.

And once upon a time, gumising na lang ako isang araw na isang loser dahil narealize ko na may gusto na pala ako sa kanya. At sa kasamaang palad, dahil ‘dun, napadpad ako sa friend zone.

Stalk Her [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon