Chapter Thirty-One: Shutter Island

188K 1.6K 134
                                    



"We should check out that island by tomorrow, what do you think guys?" sigaw ni Ram sa mga kasama habang lahat sila ay nasa buhanginan at kasalukuyang nagsa- sunbathing. Nakatingin sila sa kabilang isla.

Nagsigawan ang grupo. Lahat excited.

"This is life! Sana huwag na muna tayong bumalik sa Manila," sigaw ni Ricky na sumalampak ng upo at nagbukas ng beer in can.

"Oo nga. Nakakapagod na rin kasi na pulos business ang pinapapasok ng Papa sa utak ko," reklamo ni Dean.

Natawa si Ricky pero agad na natigilan ng makita na walang ka imik imik si Gin na nakahiga lamang at nakapatong ang braso sa mukha.

Kinambatan nito si Dean. Napatingin si Dean sa iningunguso ni Ricky.

"Mukhang nasa Amerika pa rin yata ang utak ng next Governor," biro ni Dean na binato ng maliit na bato si Gin. Saka pa lamang ito gumalaw at nilingon sila. Nakakunot ang noo nila.

"Bakit ba?"

Nagkatinginan ang mga naroon. Ang mga mata ay nagtatakang napatitig kay Gin. "May problema ka ba dude? Ang alam ko kaya tayo nandito at kaya ka nagpilit na umalis tayo ng Manila ay para magkaroon ng break from all the pressure from our families. Eh ikaw tong parang namatayan dyan," natatawang sabi ni Ram.

Natigilan ito. Pagkuwa'y nahiga na uli at ipinatong na uli ang braso sa mukha.

"I am okay. Nagpapahinga nga eh di ba? Mga istorbo kayo."

Nanlaki mga mata ni Dean. "Nagpapahinga eh apat na araw na tayo dito eh ganyan ka pa rin. Para kang wala sa mood! Iniisip mo pa rin ba ang iniwan mo na babae sa Amerika?"

Nagkatuksuhan doon.

Hindi umimik si Gin.

"Tumigil na nga kayo," sabi ni Ricky. "Asan na yung niluluto ninyong barbeque baka uling na matira dyan! At ikaw Dean, ang kanin natin, mamaya kumain na naman tayo ng sunog kagaya kagabi! Ayusin nyo nga," sigaw nito ng magsialis ang mga naroon.

Nag-alisan ang mga lalaki. Naiwan na lamang silang dalawa ni Gin. Napabuntong-hininga si Ricky. Kilala nito ang kaibigan. Since high school alam na nito ang trip ni Gin. Alam nito kapag may dinaramdam ang kaibigan.

At sa klase ng pananahimik nito ngayon, mukhang malalim ang pinaghuhugutan ng problema nito.

He sighed na naupo sa buhanginan at tinapik sa balikat si Gin. Gumalaw ito at nagmulat ng mga mata.

"May problema ka. Wag mong sarilinin."

He smirked. His eyes focused on the sky above us. "You can really read me."

Natawa si Ricky. "Kilala kita. Enough of this, baka mamaya marinig ako ng girlfriend ko eh sabihin may relasyon pa tayo."

Natigilan ito. Napatingin kay Ricky. "Kayo pa rin ni Trish? Tagal nyo na ah," natatawang sabi. "Ang tagal na nagtyaga sa yo."

"Ulol!" natatawang binato ito ni Ricky ng hawak na cap. "She is very patient when it comes to me," nakangiting sabi.

Napakurap si Gin. "Patient?"

Tumango si Ricky. "Oo. She never gives up even I was cheating on her. She cried a million times and yet she is always there for me. Naghihintay palagi sa akin," napailing ito. "I was more than glad that I woke up from my fooling around or I will lose the only person that I'll ever love."

Ilang saglit na nakatitig lamang si Gin dito. Pagkuwa'y tumawa. "Ang corny mo dude! Hindi bagay sa yo!"

Naningkit ang mga mata nito. "Palibhasa kasi bato puso mo. Hindi ka ba na inlove sa nasa Amerika mo na kinkwento sa akin palagi?"

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon