Chapter 27

1.1M 23.6K 2K
                                    

Chapter 27

Ang Kama

Napaawang ang bibig ko. Ang dami kong gustong sabihin pero mukhang ayaw yatang lumabas ng boses ko.

Tinulak ko na lang siya at agad na tumakbo palabas ng kwarto.

This is impossible. Just so impossible! Paano niya nalaman? Malalaman ba iyon?

Well, yes, totoo yung sinabi ni Jayden. Maaga akong nagkafirst kiss, pero hanggang doon na lang iyon. Imbes na ikama ako ay pinaiikot ko yung mga pinag uusapan namin at binibitin ko ng bongga ang mga naging boyfriend ko. Simply because I just didn't like it. Kumbaga, hindi ko sila ganoon ka mahal para ibigay ang lahat.

Nung kami naman ni Jayden, naging masyado ko ata siyang mahal kaya ganun. DARN! At alam niya? Paano?

"Hey, Cha!" Kumaway si Christian sakin.

Napatalon ako. Kumunot ang kanyang noo nang nakita ang gulat na gulat na reaksyon ko.

"May problema ka ba?" Tanong niya.

Lumingon ako sa likod ko. Hindi naman ako sinusundan ni Jayden. Kumalabog ng mabilis at malakas ang puso ko. What is wrong with you, heart?

"W-Wala." Nauutal kong sagot.

Ngumisi si Christian at itinuro sakin ang makakasama namin ngayong gabi.

Nakita ko si Nicole at isang morenong malaki ang katawan na si Wesley. Pareho silang ngumiti kahit na kitang-kita ang pahapyaw na pagbusangot ni Nicole.

"Really? o sige, tayo na." Aniya at naglakad na siya sa direksyon ng Sand and Booze.

Syempre, sumunod din ako kahit na praning ako at panay ang lingon ko sa likod. Pakiramdam ko kasi susundan kami ni Jayden.

Nagtatawanan sina Wesley, Nicole at Christian. Hindi ko na alam kung anong pinag uusapan nila. Masyado na akong napapraning sa kay Jayden.

Damn that guy! Ano kayang iniisip niya tungkol sakin ngayon? Lalo na nung sinabi ko sa kanyang marami na akong nakapiling na mga lalaki? At alam niyang hindi iyon totoo... Niloloko ko siya, oo, kasi alam ko namang iyon talaga ang iniisip ng mga tao tungkol sakin. Pero I just can't believe it! Nalaman niya yung pagiging V ko!

"Cha?" Naaninag ko ang nakakunot na noo ni Christian. "Are you really okay?"

"O-Oo."

"Talaga? Parang ang weird kasi hindi ka nagsasalita." Aniya.

Tumawa ako ng hilaw, "May iniisip lang ako."

Nanliit ang mga mata niya saka inakbayan ako. Napatingin tuloy ako sa kamay niyang nasa balikat ko.

"Lika na nga! Malapit na tayo sa Sand and Booze, oh!" Sabay turo niya sa bar sa tapat namin.

He's right! The bar was jam-packed with guests. Hindi ko alam kung makakakuha pa ba kami ng table o sa stage na lang agad kami.

Nakita ko sa harap kong inakbayan na rin ni Wesley si Nicole na mukhang tuwang-tuwa sa ginagawa nito. Double date ba ito?

Nawindang ako nang nakahanap agad ng table sina Wesley at Nicole.

"Pinareserve namin." Malaking ngiti ni Christian sakin.

Ngayon ko lang narealize na malapit pala iyong mukha niya sa mukha ko kaya iniwas ko ito sa kanya.

Umupo na agad ako sa highchair. Nag siupuan din sila at agad nag order ng hard drinks. Bacardi at Rhum Cola.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon