C15- YOUR GUARDIAN ANGEL

3.2K 79 4
                                    

Paolline's P.O.V


"WAAAAAAAAAA!ANG PART TIME LOVE!" 

"WAAAAAAAAA!SI CJ! OMG! OMG! I'M GONNA DIE!"

"KYAAAAAAA!~ ANG GA-GWAPO TALAGA NILA!"

"WAIT!  WHERE'S OUR PRINCE JSEN? WHERE'S PRINCE JSEN???!"

"YEAH! WHERE'S PRINCE JSEN?!"

"OMG! MY PRINCE JSEN IS MISSING!"

Mga naririnig namin galing sa mga audience. Nakakabingi sila simula ng umakyat sa stage ang tatlo na lalaki. Pero agad na nagtaka ang mga audience at nagsimulang magtanong nang makita nilang wala ang kanilang minamahal na si Jsen na tawag ko na si Ian.

Napatingin ako kala Jadden, Jp at Jd. Mukhang mga dissapointed din sila dahil sa mga naririnig nila. Mukhang hindi magugustuhan ng mga audience ang nangyayari ngayon. Nalulungkot tuloy ako para sa banda nila. 

'NASA'N BA KASI 'YANG SI IAN?!'

"Guys! Gu---" hindi maituloy ni Jd ang sasabihin niya dahil sa ingay at walang tigil na sigawan ng mga audience na panay lang naman ang reklamo sa kanila. Napapayuko na lamang si Jd dahil nade-dedma nalang sila ng fans nila. Kung kailangan mas kailangan ng mga tao na makinig, tyaka naman sila mga nagwawala. Hays.

"Guys! please be quiet!" napabalik sa stage ang emcee at hindi na napigilang hindi sumigaw para maawat ang audience. Tumahimik ng kaunti ang mga audience ngunit may iba pa rin talagang walang tigil sa pag-iingay.

"Please! Let your idols speak! Hear them out first! Sa tingin niyo ba natutuwa sila ngayon dahil sa mga pinapakita niyo sa kanila? Hindi niyo ba napapansin na nasasaktan na ang mga idol niyo dahil hindi niyo sila pinapakinggan?" At dahil sa sinabi ng emcee ay nanahimik na ang lahat. Kahit siguro sila Jd ay nanahimik din. 

Simula pa lang naman no'ng umakyat sila sa stage ay tahimik lang talaga sila. Hindi katulad no'ng nakikita ko silang nagpa-practice palang. Hindi sila masaya ngayon. At masakit makita na 'yong mga taong nakakapagpasaya sayo ay mga ngayong malulungkot.

Bumaba na ang emcee nang masigurado na niyang ready ng makinig ang mga tao't bumalik sa pwesto niya na katabi ko. Nasa gilid lang kami ng stage kasama ang ibang nago-organize ng concert ng Part Time Love.

Tahimik pa rin ang lahat ng marinig nila ang boses ni Jadden. Tumikhim kasi ito para magsimula sa pagsasalita niya. Napalunok pa si Jadden habang ang isang kamay niya'y hawak-hawak ang mic na nasa mic stand sa harapan niya.

Parang hindi malaman ni Jadden kung ano ang una niyang sasabihin. Parang hindi niya malaman ang mga tamang salita para ipaliwanag sa mga tao ngayon ang dahilan kung bakit wala si Ian. Naglilibot ang tingin nito sa crowd na mga nakatingin lamang sa kaniya at mga tahimik.

Napahawak-kamay ako dahil sa kaba. Napatingin ako sa dami ng mga tao ngayon para sa concert nila Jadden. Hanga din naman ako sa mga 'to e, tumahimik din sila nang marealize nilang nasasaktan nila ang mga idols nila. 

Sana noong una palang ay narealize na nila agad. Tsk. 'Yan ang mahirap kapag sikat ka, lahat ng gawin mo o lahat ng tungkol sa buhay mo ay big deal para sa kanila. Ang mahirap naman sa mga fans, hindi agad-agad muna manahimik at 'wag mag-judge at mag-conclude.

"Guys, sorry if--"  Napabalik sa pagkakayuko si Jd bago ituloy ang susunod niyang sasabihin. Inunahan na niya kasi si Jadden sa pagsasalita dahil alam niyang walang masasabi si Jadden sa ngayon.  "--Sorry if wala si Jsen ngayon bilang vocalist ng banda. Umm--"

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon