One Day

419 26 54
                                    

One Day

I woke up in an unfamiliar place. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Ibang kwarto, ibang kama, iba lahat. Napaisip ako, "Ano 'to, sine? Telenovela?" Bumangon ako at napatingin sa may pintuan. I saw a man. He was staring, smiling, just leaning there by the door. I gave him a wondering look, but he just winked in reply. Napakunot ang noo ko. I started searching for a clock while he was crossing the distance between us.

"Good morning! How was your sleep?" I didn't answer. Why should I? I don't even want to talk to this stranger. Ni hindi ko nga maarok kung bakit andito ako at kasama ko siya eh. And again, he just smiled. Then he stood up and went out of the room. Nagtaka ako pero di ko na lang pinansin. I was busy looking for clues. Kung nasaan ako, sino yung lalaking kasama ko, at kung paano ako napadpad sa lugar na ito. The last thing I remember, I was with my parents. Pauwi na kami noon galing sa simbahan. Tapos ngayon, eto ako? Pambihira!

"Ako nga pala si Eric." Natigilan ako sa pagmamasid sa paligid nung marinig ko ang pagpapakilala niya. Siya daw si Eric, eh ano naman ngayon? Ang gusto ko lang mangyari ay maka-uwi na ako. He placed a tray on the bedside table. "Kain ka na, Valeen." Nagulat ako. So, kilala pala niya ako? Pero paano? Siya nga parang ngayon ko lang nakita eh. "Salamat." I answered him. I have to be practical. If I really want to escape, I need enough energy. I ate the breakfast that he prepared while he was just there, still staring and smiling. "Nakakaloko, pero ang gwapo ah!" sabi ko sa sarili ko.

"Pwede magtanong?" I managed to finally ask. Tinignan niya lang ako at muling nginitian. "Ngitian portion ba ito?" He burst out laughing. "Yan na ba yung itatanong mo?" Balik-tanong niya na halatang pinipigilan ang tawa. I sighed. "Sino ka? Asan ako?" And then, he laughed again. Inirapan ko siya. Seryoso kasi ako tapos tatawanan lang ako. Sino bang hindi maiinis, diba? "I already told you, I'm Eric. And you're in my house." He said that with a genuine smile. Ay naman! Kidnapper ba ito? Bakit ang gwapo? Tsaka bakit mukhang mabait? "Oh before you freak out, alam ng parents mo na kasama kita." Nanlaki mata ko. Saglit ah... Alam nila mama at papa? Di na ba dapat ako mag-alala o mas kailangan kong mag-alala ngayon? Ay kabaliw!

Di ko na siya inusisa pa. Bahala na si Batman! I just watched him as he do his stuff. Wala naman siya masyadong pinagakakaabalahan eh. He's just doing some chores at nang mapagod ay naupo sa may couch sa tapat ng kinahihigaan kong kama at nagbasa. As I look at him, I can sense that he is not a bad guy. In fact, feeling ko kilala ko siya. Di ko lang maalala kung sino siya at kung paano ko nasabi na kilala ko siya. "Ui!" Tawag pansin ko sa kanya at napaangat naman siya ng tingin. "Ano bang gagawin natin dito? Ganito lang? Magbabasa ka tapos mabuburo lang ako sa paghiga ko dito?" Ang labo kasi. Parang joke lang. Tapos nagsmile lang siya ulit. Ang mas nakakakilabot, lumapit siya sa akin. Malapit na malapit. "We're here to enjoy. To spend time together." At syempre, mawawala ba naman ang kanyang ngiti? Hay. Hayaan na nga. Go with the flow. I gave him a shy, but real smile.

Like what he said, we're here to enjoy and spend time together. Di ko man siya kilala, panatag naman ang loob ko sa kanya. Una naming ginawa ay magkwentuhan. Walang specific na topic, basta may masabi lang. Noong una, mabababaw na bagay lang ang napag-uusapan hanggang sa di namin napapansin ay mas nakikilala na namin ang isa't isa. Hindi pa nga siguro kami titigil sa pagkukwentuhan kung di kami nakaramdam ng gutom eh. Inakay niya ako patayo at nagpunta kami sa kusina. We cooked lunch and ate it together. Sa maikling oras pa lang, masasabi kong nag-eenjoy na ako. Sabay pa naming niligpit at hinugasan ang mga pinagkainan. Parang mga bata na nagbabasaan at naglalaro ng bula.

"Bakit kilala mo ako?" We were playing scrabble when I asked him a random question. "Hmmm? Secret! Malalaman mo rin, soon." Di ko na ulit inusisa. Ang mahalaga, masaya ako. Nagtakbuhan na din kami sa garden at kung anu-ano pa. Parang mga ewan na kung ano maisipan ay siyang gagawin. He took his camera at ano pa nga ba, edi camwhoring! Smile dito, smile doon. Make face dito, make face doon. Kilitian, habulan, tawanan. We were just enjoying each other's company. Di ko namalayan, masyado na pala akong natutuwa.

"Masaya ka ba?" He asked. I was kind of confused, but that question made me smile. "Nakakagulat, pero oo." I answered, still smiling. Nanonood kami niyan ng chick flicks habang nakaupo sa sofa. Nakahiga ako sa lap niya habang sinusuklay niya ng kanyang mga daliri ang aking buhok. Ang relaxing ng feeling. Yung ganitong posisyon namin, parang sakto lang. Parang meant to be. Nasabi ko tuloy sa sarili ko, "I like him."

Di ko sinasadyang makatulugan ang pelikulang pinapanood namin. I was shocked to see him just staring straight to my face. The look on his face was so calm, gentle, loving... Di ko napigilang di mapangiti. "Ang ganda ko 'no?" Natawa siya. "Oo, kaya lang di ka humble." Laughters. Yan lang ang umaalingawngaw sa paligid. I was so engrossed with my enjoyment na di ko na naalala na isang araw ko pa lang nakakasama itong unknown guy na ito sa isang unknown place. "Valeen" Pabulong niyang sinabi sa hangin. "Hmmm?" I looked at his eyes. Ang ganda. sobrang serene. Parang walang problema sa buhay. "Masaya ako. Salamat." Tinawanan ko siya. Ang wirdo naman kasi eh. Niyaya na niya akong bumalik sa kwarto para makatulog. "Patabi ah," pagpapaalam niya. "Sige lang," sagot ko naman. That night, I slept with a smile formed on my lips. I was happy and I would take a risk just to be happy with this person again.

Excited akong gumising. Alam ko kasing sasalubungin na naman ako ng magandang ngiti ni Eric eh. Pero parang may mali. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Kwarto ko, kama ko, akin lahat. Pero nasaan si Eric? Bumangon ako at ginalugad ng tingin ang bawat sulok pero wala siya. I hurriedly went out of my room. "Ma! Pa! Si Eric po?" They just stared at me. Hinihintay kong tuksuhin nila ako pero ang tagal. Tsaka bakit parang ang lungkot nila? "He's gone." Paiyak sa sabi ni papa. "Gone? What gone? Joke ba to?" I'm starting to be hysterical. Mama was crying while papa was comforting her. "Ano bang nangyayari?!" Naguguluhan kong tanong.

I was with you when I woke, but you were nowhere to be found the next day. How can I possibly fall for a guy who just passed by my life? Ganito ba talaga kalupit ang buhay? Sasaya ka ng sobra sobra pero agad agad din itong mapuputol.

Eric. Kilala ko nga siya. Siya yung sakiting bata na kalaro ko noon. Siya yung lagi kong inaaway. Siya yung laging nagtyatyagang makipaglaro sa akin. Siya yung taong masaya pag masaya ako. Siya yung taong buong buhay akong minahal mula sa malayo. Siya yung taong mahal na mahal ko na din ngayon. Siya yung taong habang buhay kong mamahalin kahit wala na siya.

That day that we spent with each other was his last day. He's now gone. For good.

June 13 2012

One Day #DreamersAward2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon