Chapter Seventy Two- Friends and Plans

418K 7.1K 833
                                    

Comment Highlights

namelessvixen: "...Ang importante naman diyan buo pa yung pagkatao ni Zylie. Binigay naman ng lahat ni Zylie nung minahal niya si Silber to the point na halos wala ng matira para sa sarili niya."

nissinwafer: "hindi niya pwedeng timbangin ang pagmamahal niya sa kanilang dalawa, hindi rin siya pwedeng bumatay sa tagal ng pagsasama at kung sino ang nauna."

~

ALYANNA's POV

Binuksan ko ang pinto. 

“OMG.”

*blag*

Sa sobrang gulat ko sa nakita ko, sinara ko ito agad. Actually hindi ko talaga naisip. Ever in my whole goddamned Dyosa life, na tatapak siya. Diyan. Right on our doorstep.

The Silver Jeremy Torres.

*knock knock knock*

“Alyanna! Ano ba yan?! Yung pinto nga sabi!” si mama, grumpy na naman. Pinapabuksan nga sa’kin dahil kanina pa may kumakatok, eh naglalaba naman siya. Yung kapatid ko naman, feeling bunso at nagmamaktol kaya di mautusan. Inaantok pa daw siya. Jusko. In the end, ako rin yung bumaba para buksan yung pinto. Kaya eto...

Sino ba naman kasi ang pupunta ng sobrang aga sa bahay? Like kakasikat pa lang ng araw, ni hindi pa nga lumalabas yung kapitbahay naming nagpe-pedal ng bente-bente na alam ko at sinasabayan ko pa ng tenenenene ang saliw ng padyak niya. Pati siguro yung nagjajogging na ate na malakas magpatugtog ng , wala pa rin. Tas ngayon, siya lang ang makikita ko?

Sorry, mali... hindi pala siya lang kundi, siya pa! Siya pa talaga ang makikita ko? Di ko alam kung magka-cartwheel ako o tatalon simula sa pinakataas na baitang ng hagdanan namin eh dahil hinahalukay ube yung tyan ko. Kinakain na ng large intestine yung small intestine ko. What to do? What to do?

Oo. Fine. This is how it is. Ganun ko siya ka-crush. Super crush. 

Pero pinigil ko din yung sarili ko. Naisip ko kasi yung sitwasyon. Siya lang naman yung boyfriend ng isa sa bestfriends ko sa school. Di ko yun ma-absorb nitong mga nakaraang araw kung pano nangyari yun. Hindi naman sa pinagdududahan ko ang karisma ni Zylie, pero kasi… Hindi ko man lang nahalata na sila na pala. Ni hindi ko nga alam na naguusap pala sila. Dapat pala nagduda na ako dati pa eh. Nung sa pool area pa lang eh. Pero I looked past that kasi di ko talaga inakala eh.

Panay pa naman ang sabi ko sa kanila na uber na ang pagkabaliw ko kay Silver. Hindi man lang ako sinabihan ni Zy at pinigilan…Hep hep, Silver is mine Yanny. Kaya mas lalong, nahihiya ako kesa nagagalit. Nakakahiya na ganun ko pagpantasyahan si Silver pero boyfriend na pala siya ni Zylie. Yung mga ganun...

Pero anong gagawin niya dito sa bahay? Aaminin niya na ba na ako talaga ang gusto niya at hindi si Zylie? LOL. Assuming na assuming lang ang naisip ng utak ko. Pero after one second, alam ko namang binabaliw ko lang sarili ko kasi hindi ganun. I have the craziest thoughts.

*knock knock knock*

In fairness naman, with all gallantry, maayos pa rin siyang kumatok kahit pinagsarahan ko siya ng pinto. Pero ako? Nasaan ang manners ko ‘diba? Isang mabuting lalaki ang maayos na kumatok sa bahay namin, at pinagsarahan ko lang ng pinto right in his face. Naisip kong tumakbo muna sa ref para uminom ng tubig at kumalma man lang si heart pero I dismissed that thought. Panigurado kasi eh sisigaw na naman si mama at sasabihing pagbuksan ko yung kanina pa kumakatok at lalong mas nakakainis yun.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon