Epilogue

He's Dating the Ice Princess | Filipina Wattpad  

   

"Charice?" tawag ng aking ina sa labas ng aking pintuan.

Tumayo ako sa kama ko habang dala ko yung phone ko at binuksan yung pinto, "Ano yun?" tanong ko.

"Your Mama got the job! We're going to Singapore!" nakangiting parang baliw na sabi n'ya.

"Singapore? Pati ako?" tanong ko. 

"Bakit? Ayaw mo ba sumama?" tanong n'ya.

"Di naman sa ganun.. pero kasi.."

Nagvibrate naman yung phone ko. Pagtingin ko si Gosu.. nagtext.

"Err, okay Cha.." narinig kong sabi nya ng nakatungo. Binabasa ko pa yung text ni Gosu ng marinig ko na lang ang tunog ng pagsara ng pinto ng kwarto ko.

Binuksan ko ulit yung pinto at nakita ko si Mama na nasa sala. Nakaupo, habang hawak yung picture frame na may litrato namin... nina Mama, Papa, Ako... at si Chiara. Napa-buntong hininga ako.

Bumaba ako at nilapitan s'ya. Napatingin naman s'ya sa'kin.

"Mama.. pwede ba.. dito na lang ako? Hindi naman sa ayaw kong sumama.. syempre ayokong mag solo flight ka dung nag-iisa.. syempre.. Mahal kita ah" - nahihiya kong sabi. "Pero kasi.." - dagdag ko.

"Bakit? Ano ba yun anak? Ba't ayaw mo sumama sa'kin? T__T" - Mama.

"Kasi.. yung.. boyfriend ko.." - panimula ko habang ginagalaw-galaw yung kamay ni Mama.

Naramdaman ko naman yung kamay ni Mama sa buhok ko habang hinahaplos ito. "Hayy, ang aking anak na si Ice Princess.. hindi na malamig.." sabi n'ya kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko s'yang nakangiti kaya sumandal ako kay Mama at pinagpatuloy n'ya ang paghahaplos ng buhok ko.

"Sige na nga! Pero may kondisyon!" - Mama.

"Ano yun?" - tanong ko.

"Dapat may kasama ka dito!" - Mama.

Eh? Sinong pwede kong isama dito?

"Pag wala, isasama kita sa Singapore!" - Mama.

Nag-iisip ako ng malaman kong may tumatawag sa'kin -- Si Gosu. Sinagot ko naman yun. Hindi pa ako nakakapag hello ng magsalita na s'ya, "Anae, nanunuod ka ngayon ng TV? Budoy na!" - sabi n'ya sa'kin. "Manuod ka rin ah! I love you!" - dagdag pa n'ya.

Magsasalita na sana ako ng makita ko si Mama na nakiki-dinig sa usapan namin @#$%!

"Mag I love you ka din anak!" - sabi n'ya ng walang boses (para di marinig ni Gosu).

Sinamaan ko naman si Mama ng tingin, "Geh, wait.. bubuksan ko pa TV" - sabi ko sabay tayo at pumunta sa kusina (dahil andun yung TV).