Mahal kita.
Alam mo ba yun?
Sa tingin ko hindi.
Pero mahal talaga kita.
Oo.
Tama ang iyong nabasa.
Mahal talaga kita.
Oo.
Ikaw nga.
Sabi ng oo eh.
Ang kulit.Tss
Ikaw talaga kahit kelan ang kulit.
Pero kahit makulit ka,mahal pa rin kita♥
Bakit ba ayaw mong maniwala?
Dahil ba mukha akong nagjo-joke? Tss.
Naman oh. Yan talaga ang problema kapag nasanay ka, na lahat ay biruan lamang.
Kahit sinabi ko nang gusto kita.
Tumatawa ka lang.
Tapos tatawagin mo pa akong baliw.
Badtrip talaga!Tsk!
Naaalala mo pa ba nung una kitang tinawag sa pangalan na ayaw ko namang itawag sayo?
Magulo ba?
Pasensya nya.
Ako man, naguguluhan din.
Pareho lang tayo.
Labag man sa kalooban ko,pero ginawa ko.
Kasi iyon ang mas makabubuti.
Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko.
Parang exam lang namin sa accounting.
Ang hirap intindihin, kasi hindi naman itinuro.
Kung alam ko lang na yun ang magiging exam namin, sana man lang nagself-study ako sa bahay.
Pero hindi ko alam eh.
Yung Prof. ko kasi, ang hilig mag-challenge ng estudyante.
Tapos binisita pa ako ni Katamaran.
Ayon,bumagsak tuloy ako.
Parang ikaw lang din.
Nung dumating ka sa buhay ko.
Kung alam ko lang na ikaw ang darating, eh di sana pinaghandaan ko.
Eh dapat man lang, pinag-aralan muna kita bago tinake.
Ayon, pareho lang.
Bumagsak din ako sayo.
Kainis lang, hindi mo ako sinalo.
Pero hindi ko sinabi na sana binitawan mo sya.
Kasi ayaw ko yung mangyari.
Pero mas mabuti pa rin yung Prof. ko.
Binigyan ako ng isa pang pagkakataon.
Pero sayo,
Simula’t sapol wala na akong pagkakataon.
Sana nakita kita.
Sana nakasama kita.
Sana nahawakan man lang kita.
Pero malabo yata yung mangyari.
Spell IMPOSIBLE.
Masarap pagmasdan yung picture mo.
Na dinownload ko pa galing sa Facebook .
At hindi pa ako nakuntento, pinaprint ko yun ha?
Wallet size nga lang.
Sorry nga pala kung hindi ako nakapagpaalam.
Matino pa naman yung isip ko, kahit papanu, upang ipaalam sayo ang kabaliwan na ginagawa ko.
Tatawagin mo ba akong obsessed dahil dun?
Sana hindi.
Hayy nakakapagod ng magtype.
Manonood pa ako ng “My Binondo Girl”.
Kakakilig talaga nina Jade at Andy.
Ang swerte nya kay Andy.
Gwapo, mabait, sweet, responsible, matalino, talented at mayaman pa.
Lahat na yata nasa kanya.
Opppss..
Baka isipin mo, may gusto ako sa kanya.
Ano ka ba?
Sabi ng ikaw lang talaga ang gusto ko.
Ayaw mo lang naman maniwala eh.dammmmmit.
Alam mo ba ang pangarap ko??
Ui, sa ‘tin lang ‘to huh?
Secret natin. Parang ganun.
Ang pangarap ko
sana balang-araw maging sayo ako.
Sa tingin mo matutupad kaya ang pangarap ko?
Sabi nga,walang imposible sa taong determinado.
Determinado naman ako eh.
Kung pwede nga lang ako na lang yung manligaw.
Pero hindi pwede.
Kasi Babae ako.
Nakakahiya naman kung ako ang gagawa ng paraan.
Tss.
Ang hirap talagang maging babae.
Nakakainis.
Grrrrt.
Ayaw ko na.
Ayaw ko na talaga.
Ayaw ko na sa sarili ko,
Pwede bang sayo na lang ako?
Author’s note:
There’s no particular man in my mind nang ginawa ko ‘to.
Wala lang. Trip lang.Parang ganun.
Ka-praningan.Lol
Pero if ever man na mahanap ko yung taong magpapatibok sa puso ko, yun ang mga sasabihin ko.
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.
At kapag nahanap ko na, hinding-hindi ko na papakawalan pa.
Nagustuhan nyo ba ang nonsense na ‘to?
Jhaninay18♥♥♥
^_______^
I'm sooo Back. I sooo missed wattpad.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists