welcome!  login | sign up   Facebook Connect
 
Read what you like. Share what you write.

Posted by

gutenberg

on Mar 21, 2007
Become a fan

Si Rizal at ang mga Diwata Zarzuelang Tagalog na may Dalawang Yugto

0


SI RIZAL AT ANG MGA DIWATA ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. (http://www.gutenberg.ph)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

[Patalastas Manuel de Leos/Libreria de R. Martinez]

=Si Rizal at ang mga Diwata=

=_(ZARZUELANG TAGALOG NA MAY DALAWANG YUGTO)_=

TUGTUGIN NG

=Gurong Manuel Lopez=

AT TITIK NI

Jose N. Sevilla

(Unang Pagkalimbag)

MAYNILA, 1913.

Imp SEVILLA, Ilaya 601 Tondo, Manila.

[Larawan: Dr. José Rizal y Mercado]

_Dr. José Rizal y Mercado_

_Ala-ala sa dakilang Bayani, bilang pamimintuho sa kanyang mga banal na mithiin._

=Ang Kumatha=

MGA TAONG GAGANAP

Rizal 14 na taon Filipinas Anangki Sakim Ingit Minerva Panahon

Mga Diwata Kagandahan Karangalan, Kasayahan at Kayamanan

Coro Ng Kabataan Kabinataan Mga Panganay

TAGUBILIN:

Ipinagbabawal ang pagtatanghal na walang pahintulot ng Gurong si G. Manuel Lopez at ng Kumatha.

=SI RIZAL AT ANG MGA DIWATA=

=_UNANG YUGTO_=

_Sa kabilang dako ng tanawin ay kakahuyan at bundukin at sa kabilang dako'y bahagi ng dagat BAY._

_Isang bangkang lunday ang nakapugal na bay-bayin._

=_Lalabas ang Coro ng Kabataan na boong lugad na nagaawit._=

I TUGMA

_AWITIN_

(Lahat) Tayo na't magpaliguan Dito sa dagat na tabang Tubig niya'y sakdal linaw Anong sarap! Anong inam!

(Lalaki) Banka'y atin nang ibunsod At sabayan ng pag-gaod Kapit kayo't mahuhulog Mahirap na ang malunod.

(Babai) Anong sarap na aliwan Ng mamangka sa dagatan Huwag kayong magagalaw Ang bangka ay gumigiwang.

(Lahat) Tayo na't maglusungan Sa tubig na sakdal linaw Hayo na't maglundagan Anong sarap manimbulan!

=_Magpapasukang lahat sa loob. Si Rizal ay lalabas sa kabilang dako na wari'y may hinahanap._ =

II TUGMA

Rizal:--Ako ay iniwan.... Hindi na inisip, Ang nagsisiluhang Ina at kapatid, Nagpasasang lahat sumimsim ng tamis Ng pagliliwaliw.... at kami'y sa sakit.

Anong pagkahirap ng ganitong buhay Maraming kapatid ay di maasahan, Ang nangatuturing na mga panganay Na dapat huwarin sa mabuting asal, Sa landas ng puri'y dapat na mag-akay At dapat magsikap ng ikararangal, Ng kanyang kaanak, ng kanyang pangalan, Ay siyang nagiging masamang huwaran At dumog sa hilig na napakahalay.

Ang tanang pag-asa ng Ina kong giliw Ang kabinataang dinaladalangin, Siyang tatawagan, aking ituturing Yaring kalagayang balot ng hilahil.

Nguni't hindi kaya ariing aglahi Ng mga kapatid ang gayong mungkahi?

_(Mag-iisip ng boong alinlangan)_

Sa ano't ano ma'y aking luwalhati, Ang agad malaman yaring pagwawari.

(_Anyong hahanapin, sa kabilang dako'y lalabas ang Kabinataan._)

III TUGMA

(ANG KABINATAAN AT SI RIZAL)

_SALITAAN:_

Kabinataan:--Ang buhay ng tao ay isang pangarap Isang kasayahang walang makatulad Ang di magtamasa ay hangal at uslak Laging magtitiis, laging maghihirap.

Rizal:--_(sa sarili)_ Ang kabinataan.... _(lalapitan)_ Kayo 'y siyang pakay Talagang sadya kong kayo'y tatawagan, Sana'y isasamong si Ina'y káwaan.

_(tunog)_ Ibig baga ninyo mga hinihirang Na samahan ako't Siya'y saklolohan?

Kabinataan:--Kami ay may lakad; huwag abalahin At ang kasayaha'y dapat tamasahin, Hindi mo ba tantong ang hindi sumimsim Sa kanyang tagayan ay mangmang ó baliw?

_(hihimukin)_ Sumama ka Rizal, sa ami'y sumama At doon pahirin ang bakas ng dusa.

Rizal:--_(malungkot)_ Sumama pa ako?.... Paano si Ina?....

Kabinataan:--_(pakutya)_ Si Ina?... Bayaan. Siya ay saka na. _(Pasubali)_ Tawagan na muna ang mga panganay:

Rizal:--Kayo'y kapatid ding dapat na asahan;

Kabinataan:--Sila'y siyang unang dapat na dumamay.

Rizal:--Samahan na ako. Tayo na't suyuan.

Kabinataan:--Nalalaman mo nang kami ay may lakad.

Rizal:--Matitiis kayang hindi bigyang lunas Ang sakit ni Ina sa gitna ng hirap?

Kabinataan:--May panahon pa rin.... _(aalis)_

Rizal:--Kung tapos nang lahat.

=IV TUGMA=

_Mapagiisa si Rizal._

Rizal:-- Ang aking pag asang mangakakatulong Na mangag-iibis ng dusa't lingatong, Di man nabahala sa tapat kong lungoy, Hindi man dinigig ... Agad nang yumaon.

Masayang masayang parang walang malay, Nagsasamantala ng galak sa buhay; Parang mga musmos na di nalalamang Ligayang sandali'y agad napaparam.

_
/ 9 Next Page

Comments & Reviews ^top


Login to post your comment.
Be the first to comment on this!


Recommended


Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal

35 Pinoy Jokes and Tagalog One-Liners

Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan

Rizal sa Harap ng Bayan Talumpating Binigkas sa Look ng Bagumbayan

Tagalog-English Dictionary (A-D)

Dimasalang Kalendariong Tagalog (1922)

FUNNY ENGLISH - TAGALOG DICTIONARY