Allergic sa Henna [Oneshot]

129 3 2
                                    

"Ang kulit kulit mo kasi anak! Alam mo nang bawal sayo ginawa mo pa rin!" pananermon sakin ni mama.

"Hindi ko nga po tanda okay? Saka matagal nang nangyari yon sakin."

"Nako nako! Sinasagot mo na lang ba ako ngayon Tomas?" galit na sabi niya.

I sighed. "No ma. I'm sorry."

Tumaas na ako sa kwarto ko. Shit. Galit na nga siya, na gatungan pa. Screw this life.

Hindi naman sa takot akong mapagalitan, sanay na ako. Ang saakin lang, ayokong sinisita pa rin ako na halatang halatang nagsisisi na ako. Alam mo yun? Yun bang hinahampas hampas pa sa mukha mo na mali ka, na dapat ka pang magsisi. Nakakainsulto.

May festival kasi sa school namin, at may mga booth ang different organizations doon. Napagtripan namin ng barkada na magpa-Henna, wala lang. Parang remembrance kuno lang. Pero yesterday, I felt my leg itched. And then it hit me, may allergy pala ako sa Henna.

Ilang araw makalipas, school day na. Nahihiya akong pumasok dahil bakas pa rin ang allergies ko. Buti na lang nga at sa leg ako nagpa tattoo. Actually, my allergies crept up to my arm, pero konti lang, still kita pa rin.

Ayoko nga sanang pumasok dahil ang kati kati, pero sabi ni mama. I need to face my consequence daw. Yeah right, consequence my ass.

"Tom! Dude! Musta yung Henna mo?" ngiting aso sakin ni Paul

"Ulol. May gana ka pang mang-asar. Kung binabangasan kita ngayon eh."

"Chillax bro. Binibiro lang naman kita." kinurot niya ako sa tagiliran ko.

"Ka uma-umaga PDA agad kayo! Umamin nga kayo, may something ba kayo?" sabi naman ni Francis

"Isa ka pang ulol." inis kong sabi

Eto, mga kaibigan kong gago, sinisira ang sira ko nang umaga. Can this day get any worse?

------------------------------------------------------------------------

"Excuse me ma'am but I believe that the formula on the board is wrong. It should be: e squared equals square root of big n minus small n over small n times big n"

"Good job Mr. Romulo. Class, kung ganito kayo kagaling sa klase, okay lang sakin na mag ingay kayo." sabi ng Statistics teacher namin.

Eh pano, nag bubungisngisan kami nila Paul dito sa likod at nahuli kami. Ako yung pinatayo. Buti nga at alam ko to.

Siniko naman ako ni Francis at ngumisi.

"Type ka talaga ni ma'am bro." tinawanan ko na lang siya.

"Okay class, next week may mga exchange students tayo galing sa ibang school. 1 month silang tatagal rito. Now, I want to remind you to be at your best behavior. Wag maging maloko, wag makipag-away. Hindi ibig sabihin na galing silang public school ay hindi sila dapat respetuhin."

I might say, may mga kaklase talaga akong mapang husga. Mga mayayaman kasi, pero hindi lahat dito ay ganon.

"Are we clear?"

"Clear as water ma'am!" sigaw nang mga kaklase ko.

Nang lumabas na si ma'am sa classroom namin, nag simula nang umingay ang klase.

"Sana may chicks!" paglalaway ni Paul

"Diba bakla ka? Dapat mga papa ang hinahanap mo. Ibigay mo na lang samin ni Francis ang chicks na yan." biro ko

"Gago! Sa gwapo kong to bakla? Ha! Asa!"

Nagtinginan kami ni Francis at tumawa. Langhiya, confirmed nga, bakla ang aming kaibigan.

Allergic sa Henna [Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon