welcome!  login | sign up   Facebook Connect
 
Read what you like. Share what you write.

Posted by

gutenberg

on Mar 21, 2007
Become a fan

Mahal na Ejercicio

0


MAHAL NA EJERCICIO Ó ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. (http://www.gutenberg.ph)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

=MAHAL NA EJERCICIO=

Ó

=DEVOCION NANG PITONG ARAO NA DOMINGO,=

NA PINAGCALOOBAN NANG SANTO PAPA NANG INDULGENCIA PLENARIA SA BALANG DOMINGO.

Sa capurihan nang pitong sáquit at pitong ligaya nang malualhating Patriarca.

=SEÑOR SAN JOSEF.=

Tinagalog ni

D. Antonio Florentino Puansen,

* * * * *

Maestro sa latinidad, at ipinalimbag n~gayon nang man~ga P. P. Recoletos.

May lubos na capahintulutan

=MANILA:--1906=

Imprenta de Santos y Bernal

Echagüe 84, _(Sta. Cruz.)_

=DON LUIS REMEDIOS,=

Presbítero, Secretario de Cámara Y Gobierno Del Arzobispado de Manila.

Certifico que á la instancia presentada por Don Antonio Florentino Puansen en solicitud de licencia de impresion, S. E. I. se ha servido decretar lo siguiente:

Manila I.° de Octubre de 1874. Por las presentes y por lo que á Nos toca, concedemos la licencia necesaria, para que pueda imprimirse el manuscrito tagalo titulado =_Mahal na, Ejercicio, ó Devocion nang pitong arao na Domingo:=_ en atencion á que de nuestra órden ha sido examinado, y segun la censura no contiene cosa alguna contra el dogma y la moral, y que será muy útil, para promover la devocion =_al Señor San Josef._= Librese por Secretaría testimonio de este decreto, y archívese original.--Gregorio, Arzobispo.--Por mandado de S. E. I el Arzobispo mi Señor.--Luis Remedios.

Y en cumplimiento del preinserto decreto, libro la presente certificacion en Manila, á primero de Octubre de mil ochocientos setenta y cuatro.--Luis Remedios.

[Larawan: Si Jesus at Josef.]

=JESÚS, MARÍA, Y JOSEF.=

Ang devoción sa daquilang Patriarca San Josef, ay tumutubó at sumusulong na para nang devoción sa malualhating Virgen María. Natalastas nang man~ga tapat na loob na anac ni María, na itong mahal na Ina ay nalulugod sa man~ga tan~ging galang at puri sa calinis-linisang Esposo niya.

Sinasabi nang marunong at mabait na si Padre Faber, na ang unang dapat tun~guhin nang ating devocion ay si María, at ang icalaua ay si San Josef: at mapatototoohanan, na anomang pahayag sa capurihan nitong maloualhating Patriarca, ay nababagay sa man~ga ugalí at asal nang tunay na pag-cauili nang loob sa Dios.

Naquiquilala natin ang man~ga tunay na caibigan, ang man~ga tumitin~gin, at totoong nagmamasaquit sa atin, cun tayo ay pinagcacalooban n~g Dios nang caguinhauahan, ó pinadadalhan cayâ nang man~ga hirap at parusa:[1] at sa bagay na ito ay parating inaalaala sa atin nang Santa Iglesia ang man~ga misterios nang ligaya at hapis ni Jesús, María, y Josef, sapagcat ang totoong iniibig, ay sinasamahan sa caguinhauahan, at dinadamayan sa hirap: cayâ ang man~ga tapat na loob na alipin ni San Josef, ay nauiuili sa alaala at pagninilay nang pitong sáquit at pitong ligaya nitong daquilang Santo, at minamahal nila ang pinan~gan~ganlang devocion nang pitong arao na Domingo. sa uicang castilá ay _Siete Domingos_.

Itong mariquit na devocion ay minagaling nang man~ga Sumos Pontífices, na humalili cay San Pedro sa man~ga huling panahong ito, at nilangcapan nila nang man~ga mahal na indulgencias, nang mahicayat ang man~ga binyagan sa ganoon pagpuri cay San Josef.

Ang Sumo Pontífice Gregorio Décimosesto, sa 22 nang Enero nang taon 1836, ay nagcaloob nang 300 arao na indulgencia sa taimtim na pagdadasal nang _pitong ligaya at pitong sáquit_ ni San Josef, sa balang isang arao nang Domingo, at isang indulgencia plenaria sa catapusan ó icapito: ang man~ga nasabing arao nang Domingo ay dapat magsunodsunod sa loob nang taon, at bahalang pumili ang maghahain nitong devocion.

Ang banal na Sumo Pontífice Pio Nono, sa manin~gas na pagsinta sa Virgen María, at sa pagnanasang maquilala, at mahalin saan man ang devocion sa Esposo niyang si San Josef, ay nagcaloob naman nang isang indulgencia plenaria,[2] na macacamtan sa balang isa sa pitong arao na Domingo, at maipatutungcol sa m~ga caloloua sa Purgatorio. At inibig pa niya na ang man~ga nasabing indulgencias, ay macamtan n~g man~ga hindi marunong bumasa, ó ualang maquitaan nang man~ga panalan~ging nasusulat dito, cun sa balang isang arao nang Domingo, sa pitong pipiliin, ay magdasal sila nang pitong _Ama namin,_ pitong _Aba, Guinoong Maria_ at pitong _Gloria Patri_.[3] Datapua cailan~gang tandaan, na sinoman ang ibig magcamit nang indulgencia plenaria, ay dapat dumulog sa confesión at sa comunión, at dumalao sa isang simbahan, at doon ipanalan~gin ang Santa Iglesia ayon sa na sa loob nang Santo Papa.[4]

Sa anyayang ito nang man~ga Sumos Pontífices, ay nagmada
/ 16 Next Page

Comments & Reviews ^top


Login to post your comment.
Be the first to comment on this!


Recommended


B

Ap



Ang Katipunan

Ang Mananayaw

Cinematografo

Esperanza